Heartbeat 2

2.8K 134 26
                                    

Heartbeat 2

You're welcome

Malakas ang hiyawan habang pinapanood namin na naglalaro ang varsity players ng highschool laban sa varsity ng colleges ng school na ito. Kroner Academy vs. Kroner University.

Hindi ko alam kung anong team ba ang susuportahan ko dahil sa varsity players ng KU ay nandoon ang kuya ko. Samantalang sa KA naman ay nandon si Adrian na naglalaro.

Simula ng magstart ang laban ay nakatuon lang kay Adrian ang tingin ko. Ang mata niyang mala-lawin, slightly messy hair at matikas niyang pangangatawan ay agaw pansin. Hindi ko magawang ituon sa game ang atensyon ko.

Lumakas ang hiyawan ng nakuha ni Rhein ang bola kay kuya Josh dahil sa bilis nito. Last minute na lang at nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan ng dalawang team kahit na practice game lang naman ito.

Lalong lumakas ang tilian nang nagpakawala si Rhein ng kindat sa manonood bago ipinasok ang bola sa ring. Gusto ko sana siyang murahin dahil sa kaarogantehan niya ay pinigilan ko na lang. Baka mapalayas pa kami dito kung gagawin ko 'yon.

Ang yabang mo Rhein! Kung si Adrian ang nandiyan, panigurado ay ipinasok niya na agad 'yan kaysa ikaw na magmayabang pa sa so called 'fans' mo.

Ang sarap niya sanang itrash talk kung wala lang ako sa school grounds.

"Go Rhein! Woohhhoo! Ang galing mo!" Halos mabingi ako sa ginawang paghiyaw ni Clara sa tabi ko.

Pinandilatan ko siya ng mata at ipinakitang naiinis ako sa ginagawa niya. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa pagchi-cheer sa ka-flirt niya.

Bumaba ako sa bleachers at pinuntahan ang kuya 'kong forever na atang nakasimangot at may nakabalot na dark aura sa pagkatao niya.

Nang makita niya ako, imbis na batiin ay tinitigan niya lang ako ng masama pagkatapos ay inilahad ang kanyang palad. May ine-expect siyang iabot ko sa kanya.

Nginitian ko siya ng malapad. Hindi pa rin nagbabago si kuya. College na pero makakalimutin pa rin.

Nilapitan ko siya at winagayway ang towel niyang kulay asul at pinahid sa pawisan niyang likod.

"Jazz! What are you doing?" Tumaas ang boses ni kuya habang pinipigilan akong punasan ang pawis sa kanyang likuran. Ako naman ay tuwang-tuwa na nagagalit ko na naman ang kuya ko.

"Ano ba kuya. Pinupunasan ko lang naman yung pawis mo. Nakalimutan mong dalhin ang favorite towel mo diba?" Nginisian ko siya.

"Akin na nga 'yan!" Hinablot niya sa akin ang hawak ko. Tinigilan ko na rin ang ginagawa ko dahil wala naman nang towel na pwedeng gamitin. Hindi naman pwedeng itong panyo ko ang ipamunas sa kanya para lang maasar siya. Like eww. Kahit kuya ko siya ay pawis pa rin iyon ng lalaki.

"Bro, wag mong inaaway ang chicks." Biglang may sumabat na lalaki mula sa aking likuran. Kagaya ni kuya ay nakasuot din ito ng kulay dilaw at puting jersey at nagpupunas ng kanyang pawis. Pinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Tigilan mo 'yan Jeff. That's my sister." Masamang tingin ang ibinato niya sa Jeff na ito.

Tinanggal niya din naman agad ang kamay niya sa akin. "Sorry. Hindi ko naman alam na magkakaroon pala ng sweet sister ang tulad mo." Nakangising turan niya.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay naglahad siya ng kamay. "I'm Jeff. Jefferson Sandoval. Your brother's bestfriend. Nice meeting you."

Tinanggap ko naman ang kamay niya. "I'm Jazz. Nice meeting you too." Pagkatapos non ay tinalikuran na din siya. Hinabol ko si kuya na nakakalayo na.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon