Heartbeat 18
Responsibility
Sa tagal nang hindi pagkibo sa akin ni Clara ay sa wakas kinausap niya na ako. Sinabi niya sa akin ang dahilan niya. Alam niya pala ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Rhein. Narinig niya ang usapan namin.
Hindi raw siya nagtanong sa amin at agad na nagtanim ng sama ng loob. Naiintindihan ko naman siya. Kasalanan din naman namin. Nilihim namin maging sa aming mga kaibigan. I feel so sorry. Pero kanina ay sinabi na ni Rhein sa kanya ang totoo. She asked him. And he honestly told her the truth.
Ngayon ay masaya na akong wala nang kailangang itago sa kaibigan ko. Mahirap para sa akin ang magtago sa kanila. Mabuti na lang at tapos na...
Masaya akong bumaba sa kusina para saluhan si kuya sa kanyang pag-aalmusal. Sa itsura ngayon ni kuya kumpara sa mga nakaraang araw ay mukha naman siyang masaya. Siguro'y may pinopormahan na siya ngayon.
"Good Morning, kuya! Texting your girlfriend? Pasmile smile ka pa diyan a?" Pagkasabi ko nu'n ay awtomatikong nagbago ang kanyang ekspresyon. From happy into a devil one again. He's wearing his dark aura. Mukhang naasar ko na naman siya.
"Wala ako sa mood para sabayan 'yang kakulitan mo a? Tigilan mo ako, Jazz. Baka di kita isabay sa pagpasok ko mamaya."
"E 'di wag! Palibhasa mas importante sayo ang makasabay ang girlfriend mo. Mas gusto mo siya kasama kaysa sa akin na kapatid mo." Nagtatampo kong sabi sa kanya.
Tinitigan niya ako ng matagal bago siya nagsalita.
"Tigilan mo ko sa kaartihan mo, Jazz. Nagdadrama ka na naman. Ilang beses mo na kong nilinlang niyan." Pagkasabi niya no'n ay bigla na lang ako napahagalpak ng tawa. Kuya knows me so much. Sayang di ko na siya mapagtitripan.
"Are you done with your breakfast? Ihahanda ko na ang kotse." Tatayo na sana siya pero biglang may bumusina sa labas.
"Who's that?" Kunot noong tanong ni kuya.
"I don't know. Maybe my classmate? Or your girlfriend?" Bumungisngis ako. Lumabas na ako ng bahay upang tingnan kung si Clarence na nga iyon.
Sabi niya sa akin kagabi ay susunduin niya daw ako sa bahay para sabay na kaming pumasok. Pero di ko naman inaasahan na magdadala siya ng sasakyan.
"Umayos ka nga, Jazz! Tatanungin ba kita kung para sa akin 'yan?" Nagmake face na lang ako sa harap niya bago ako nagdiretso sa labas.
"Hi, Audz." Bati sa akin ni Clarence ng nakangiti.
"Hello, Clarence! Nagbreakfast ka na?" Ganting tugon ko sa kanya.
"Yep. Im done. Tara na?"
"Jazz. Im asking you.. Who is he?" Nakahalukipkip na tiningnan ni kuya si Clarence. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan. Ngumuso ako.
"Kuya, he's Adrian my classmate."
"Adrian pero Clarence tinawag mo kanina." He sound pissed. Bakit ang moody ata ni kuya?
"Pangalan ko din po 'yun." Sabat ni Clarence nang nakangiti.
"Kuya, sa kanya na ako sasabay a? Tutal ayaw mo kong isabay..." Nilabas ko ang dila ko at binelatan siya. Bago pa man siya makapag-react sa ginawa ko ay nanakbo na ako papasok sa sasakyan ni Clarence.
Hindi agad siya nakasunod. Sinilip ko ang labas at nakitang kausap niya pa si kuya. Nilabas ko ang cellphone ko. Tinatanong ako ng mga classmates ko tungkol sa assignment namin sa physics. Agad akong nagtipa ng sagot sa kanila.
Napalingon ako sa tabi ko nang maramdaman si Clarence doon. Ang kamay niya'y nasa batok at bahagyang kinamot iyon.
"Kuya, tara na po." Sabi niya sa driver at tumango naman ito. Bumaling siya sa akim.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...