Heartbeat 8
Moves
From: Rhein
Hoy, Miss Perfect! Pumasok ka ng maaga bukas. Tatapusin natin yung project.
Good morning, Rhein a? Umagang-umaga 'yan ang bungad mo sa akin. Baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sa cake ko kahapon.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nakakabadvibes naman kasi yung Ulan na yun e. I need to refresh.
Pagkatapos kong maligo,magbihis at mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto para magbreakfast. Nasa hagdanan na ako ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
From: Clarence
Good morning, Audrey :)
Napangiti ako sa nabasa ko. Kahit pala badvibes ka na, meron pa ring dahilan para ngumiti ka.
Nireplyan ko din siya at dumiretso na sa dining room at natagpuan doon si kuya na kumakain.
Ilang linggo na kaming nagtetext ni Clarence. Masaya talaga siyang kausap sa text. Minsan naman tumatawag. At ilang araw na rin kaming gumagawa ni Rhein ng project namin kaya naman kahit gabing-gabi na ay gumagawa pa rin kami sa kanya-kanya naming bahay. Buti na lang talaga at katext ko si Clarence at kahit papano ay nababawasan ang badvibes na nararamdaman ko.
"Ang aga mo naman ata?" Sabi ni kuya habang nakayuko hawak ang cellphone. Nagtetext siguro.
"Project." Simpleng sagot ko. Hinatag naman ni Manang ang breakfast ko.
"Thanks po." Nginitian ko si Manang pagkaabot ng breakfast.
"E ikaw naman kuya? Bakit di ka pa bihis? Wala kang balak pumasok?" Baling ko naman sa kuya kong mukhang puyat na puyat.
"Nah. Mamaya na lang. Tinatamad ako."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon niya lang sinabi ang ganyang tinatamad siya. Nakapagtataka.
"Kuya, nabasted ka no?" Tanong ko nang may ngisi sa labi. Ayiiee. Inlove na ang kuya ko.
Binatukan niya ako sa sinabi ko.
"Mind your own business, Jazz. Kumusta na kayo ni Rhein?"
Rhein.
Rhein na naman. Di naman totoo yun e. Walang kame. Napasimangot ako.
"Mind your own business, Josh." Gaya ko sa sinabi niya sa akin kanina. Piningot naman niya ako sa ginawa ko.
Ayan. Nakalimutan ko nang mahal ko 'tong kuya ko.
"Aray naman, kuya e! Sumosobra ka na a?" Reklamo ko.
"Yan ang dapat sayo. Gaya-gaya." Sinimangutan ko siya.
"Kuya! Ipagdrive mo ko sa school. Bayad mo sa pambabatok at pamimingot mo sa akin." Inirapan niya lang ako atsaka sumubo ng tinapay. Sungit! Kalalaking tao e.
From: Adrian
Nasa school ka na?
Agad akong nagtipa ng reply.
Ako:
On my way. :)
"Oh my gee! I really can't believe na nakasabay ko na si kuya Josh." Sabi ni Clara pagkaalis ni kuya.
Naabutan nila kasi kami ni kuya sa bahay bago pa kami makaalis. Kaya naman isinabay na ni kuya ang dalawa kaya kinikilig ngayon si Clara.
"Ewan sayo, Clara! Parang kahapon lang si Rhein ang nilalandi mo pagkatapos ngayon si Kuya Josh naman. Landi natin a?" Panloloko ni Lhieanne.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
JugendliteraturTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...