Heartbeat 41
Partner
Dumating na yung time na nakakapagpakaba sa amin ngayon. Ngayon na kasi ang time ng pasahan ng lahat ng requirements.
Pasa nung movie. Kabilaang play. Tapos ngayon naman gaganapin ang yearly intersection sa school.
Ngayon na din malalaman kung sino ang ilalaban sa mga college students. Ang alam ko, sila kuya ang lalaban sa mananalo ngayong team. Kaya naman labis ang paghahanda ng players.
"Tara na, couz. Hinihintay na tayo ni Clara sa bleachers." Hanggang ngayon ay atat pa rin si Lhieanne sa mga ganitong event. Super supportive kasi kay kuya Rendel kaya gano'n. Maglalaro rin ang college varsitys bilang paunang game. Si Rhein, Niccolo at Clarence naman ay kasama din sa maglalaro ngayon.
Nang makita na namin si Clara ay doon agad kami dumiretso. Pero laking gulat ko nang makita si Elise na katabi nito.
Anong ginagawa ng babaeng ito dito?
Umupo ako sa kabilang gilid ni Lhieanne dahil ang sunod na bakanteng upuan ay do'n na sa katabi ni Elise. Ayokong umupo sa tabi ng bruhang iyon. Baka hindi ako makapagpigil at masabunutan ko yung ng bongga at makalbo. Kawawa naman siya pag nagkataon. Wala na siyang ipagmamalaki dahil buhok lang naman niya ang maganda.
"Sorry, couz a? Binilin sa akin ni Adrian e." Ani Lhieanne.
"May magagawa pa ba ako?!" Pagmamaldita ko at itinuon na ang panonood sa nagsisimula nang game.
Mabilis na ipinasa ni Niccolo ang bola kay Adrian. May mga humaharang pa rito ngunit sa bandang huli ay naishoot niya ito.
3 points.
This place is very nostalgic. Naalala ko pa noon 'yung panahong sobrang gustong-gusto ko pa si Adrian. I'm watching their game because I want to see how he plays. Pero ngayon ay iba na. Nanonood na lang ako ngayon dahil gusto ko lang. Wala na akong pinagmamasdan.
Nagulat naman ako ng nakiisa na din si Elise sa pagchicheer sa mga lower years na istudyante rito sa bleachers.
"Go number 29! Go Go, Adrian!!" Sigaw niya na dahilan ng pag-init ng dugo ko.
Nakita ko pang nilingon siya ni Adrian at kinindatan ito. WTF~ Ang lalandi niyo!
Umirap ako at sa kabilang banda ng court ako tumingin. Sa lugar kung nasaan si Rhein na matalim na nakatingin sa akin habang nagd-dribble ng bola. Pinagtaasan ko siya kilay at binalik ang matalim na titig sa kanya.
Natapos na ang game at nagdiretso kami sa court upang salubungin ang mga kaibigan namin. Actually ako, si Rhein at Niccolo at iba pang kaklase ang ico-congratulate ko. Nanalo kasi ang section namin. At sila ang lalaban sa mga college student.
"Congrats, Niccs. Ikaw din, Steve! Ang galing mo kanina." Bati ko sa mga kaklase ko. Nakita ko naman si Rhein na papalapit sa akin pagkatapos niyang kausapin ang coach nila.
"Hindi mo man lang ba ako ico-congratulate?" Nakangiting aso siya habang nakabuka ang kanyang mga bisig.
Hindi pa rin ako nakakalimot sa nangyari noong nakaraan. Tungkol sa sinabi niya. Paulit-ulit pa rin itong nagpapakita sa isipan ko.
Hindi ko talaga alam ang parteng iyon. Akala ko'y nalaman ko na ang lahat ng sikreto niya sa akin. At sa lahat ng sikretong kanyang tinago, ito ang pinakanakagulo sa akin.
I managed to smile.
"Congratulations, Rhein! Ayan na a?" Sarkastiko kong turan. Ang kanyang magandang ngiti ay napalitan ng simangot.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...
