Heartbeat 4
Two timing
Tuwang-tuwa ako pag-uwi ko sa bahay. First time kong makatanggap ng isang bulaklak galing sa taong gusto ko. Marami akong natatanggap na regalo kahit na walang okasyon pero hindi ko iyon naa-appreciate dahil hindi naman ito galing sa taong pinahahalagahan ko.
Unang beses talaga ito. Dahil si Clarence lang naman ang unang lalaking nagustuhan ko.
Sinalubong ko si kuya sa sala pagkapasok niya sa loob. Naka-college uniform pa siya ngayon at mukhang pagod na pagod. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.
"Hello, kuya." Nakangiting bati ko.
Imbis na batiin niya ako ay tumingin siya sa rosas na hawak ko. Hindi ko na binitawan ito magmula ng ibigay sa akin ni Clarence. Masyado lang kasing espesyal kaya hindi ko magawang bitiwan.
"Kanino galing 'yan? Binili mo?" Pinagtaasan niya ako kilay.
"Kuya! Binigay sa akin 'to. Bakit naman ako bibili ng rosas?" Galit na turan ko.
"Kasi walang nagbibigay sa'yo?" Nakangisi siya. Inaasar ako.
"Pero may nagbigay na. I told you, kuya. I'm beautiful. Ayaw mo kasing maniwala." Binelatan ko siya. Ginaya niya lang ako at inakbayan habang iginigiya paupo sa sofa.
"Okay, princess. Ikaw na ang pinakamaganda." Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Niloloko mo na naman ako 'no?" Nginusuan ko siya.
"Haist, Jazz. Maganda ka na nga okay? Bakit ba ang kulit mo?" Napa-irap na lang ako.
Napakasungit ng kuya ko.
"Kuya, bakit ayaw mong paitimin ulit ang buhok mo? Red talaga ang napili mo 'no? Ano ka sisiw?" Nakataas ang kilay ko ng tinignan ko ang kulay pulang buhok ni kuya.
"Wala ka ng pakialam diyan, Jazz. Mind your own style." Tumayo siya sa sofa at mukhang aakyat na.
"Maaga ka pa lang gumising bukas. Sasamahan mo akong mag-jogging." Hindi na ako nakaangal pa sa sinabi ni kuya dahil mabilis niyang narating ang kanyang kwarto.
Magjo-jogging na naman. Papagurin niya lang ako.
Palagi akong sinasama ni kuya sa pagjo-jogging niya. Kuya is a model in the newly opened clothing store na malapit lang dito kaya naman palagi siyang nage-exercise kasama ako. Nagsimula iyon noong last summer dahil wala siyang magawa at ako namang nananahimik na nag-aaral magluto ay napagdiskitahan niyang gawing gym-buddy. And since mahal ko naman si kuya, pumayag na ako. Nahihirapan din kasi akong matutong magluto.
"Jazz, ready ka na?" Kumatok si kuya sa pinto ko.
"Yes, kuya. Palabas na ako."
Lumabas kami ni kuya ng bahay na nakajogging pants at white fitted shirt. Nakasanayan na namin 'to ni kuya kaya naman may mga damit na talaga kaming dapat isuot kapag magjojogging.
Sinimulan naming ikutin ang block namin at nang hindi pa nasiyahan si kuya ay nag-aya pa siyang buong phase na daw ng village ang ikutin namin.
"Kuya, seryoso ka talaga sa pinagagawa mo sa akin? Madali akong mapagod." Huminto ako sa pagtakbo at nagpunas ng pawis. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Mas una pa itong napagod kaysa sa paa ko.
"Kaya nga kita isinasama diba? Para masanay ka nang mapagod." Kinuha niya ang pink kong towel sa balikat ko at ipinunas sa kanyang pawisang mukha.
"Kuya! That's my towel! Hindi mo na naman ba dala ang towel mo?"
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...
