Heartbeat 14

1.4K 90 17
                                    

Heartbeat 14

A date

Sobra ang pagkamiss ko kay kuya kaya naman ngayong magkasama kami at sabay na naglalakad patungo sa sinehan ay gano'n na lamang ako kalapit sa kanya. Mistulan nga akong bata na takot na takot mahiwalay sa kasamang matanda. Natatawa na nga lang sa akin si kuya pero hinahayaan niya lang din naman. Date daw namin 'to ngayon kaya okay lang. Biniro ko pa nga siyang namiss din naman niya ako kaya gano'n.

"Kuya, bakit ba hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend?" Nagkibit balikat lang siya at ipinagpatuloy ang pag-order ng aming lunch.

"Kuya 'yung totoo? Are you gay?" Agad na napatingin si kuya sa akin ganoon din ang cashier girl na nasa harap namin.

"Ano bang pinagsasabi mo? Gusto mong mabatukan?"

"Just joking, kuya." Awkward akong tumawa 'tsaka nag-iwas ng tingin.

Inililibot ko ang tingin sa labas ng fastfood chain nang mahagip ng tingin ko si Rhein at ang ibang kakilala kong taga-basketball team.

Nakita kong patingin sila dito sa pwesto ko kaya naman agad kong ibinalik ang tingin ko kay kuya.

Sa dinami-rami ng pwede kong makita sa mall ay siya pa.

Napansin kong nagpapacute ang cashier girl kay kuya pati na rin ang babae na nasa kabilang pila. Nagsalubong ang kilay ko. Pag-untigin ko kaya sila ngayon?

Agad kong ipinaharap si kuya sa akin at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay ko.

"Ano ba, Jazz? Ano na namang trip mong monggoloid ka?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alis na nga diyan, kuya. Umupo ka na dun. Ako na kukuha ng pagkain natin." Tinulak ko siya paalis dun sa counter at sinamaan ng tingin yung dalawang babae kanina. Gumanti rin sila ng tingin.

"Kuya, bakit ang dami naman ata ng order mo?" Tanong ko pagkalapag ng pagkain namin sa lamesa kung saan nakaupo si kuya.

"Just wait. We're waiting for someone." Nangunot naman ang noo ko dun. Sino naman yun?

"Kuya, girlfriend mo?" Halos maibuga niya naman inuinom niya ng tinanong ko yun.

"Nope, Jazz. Wala akong girlfriend." Umirap siya sa kawalan at sinilip ang kayang phone. May katext siguro.

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na pinansin.

Nakita ko naman siyang nagpalinga-linga pagkatapos niyang basahin ang message na natanggap niya. Pati tuloy ako ay nagpalinga-linga na rin.

Nagulat ako ng muling mahagip ng mata ko si Rhein na mukhang papasok dito. Anong ginagawa niya?

Nagtaas naman si kuya ng kamay at kinawayan si Rhein. What the fvck? Si Rhein ang hinihintay?

"Hey, bro." Bati ni Rhein kay kuya ng ngiting-ngiti. Binaling din naman niya agad ang tingin niya sa akin at mas lalo siyang ngumisi. Inirapan ko na lang siya ngunit tinawanan niya. Sinaway naman ako ni kuya sa inasal ko.

"Siya yung hinihintay mo, kuya?" Umiling si kuya pagkaupo ni Rhein sa tabi ko. Psh.

"Hinihintay natin, Jazz. Akala ko ba magpapakabait ka na? Nagsisimula ka naman." Nginusuan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Naasiwa naman akong sumubo ng sumubo ng maramdaman kong nakatingin sa akin si Rhein samantalang si kuya naman ay busy pa rin sa phone.

"Can you please stop staring at me?" Pagsusungit ko sa kanya. Nginisian niya lang ako.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon