Heartbeat 29

1.1K 64 2
                                        

Heartbeat 29

Sugat

Araw-araw na akong pumupunta kina Clara para sabay na kaming pumasok o ano pa man. Minsan tumatanggi siya pero madalas ay agad niyang ibibigay sa akin ang maliit na notebook niyang palaging hawak at sabay kaming maglalakad palabas ng village.

I enjoy my everyday kahit na hindi kami nagkikibuang dalawa. Masaya na ako na sabay kaming maglakad patungong school. Hindi ko sinasabi sa kanya ang totoong pakay ko at masaya akong wala lang para sa kanya iyon.

Mas maigi na kasing hindi niya alam at wala siyang pakialam sa gestures ko dahil hindi niya mismo sasabihin sa akin na ayaw niya. Mas mabuti nang ganito dahil kung sabihin ko sa kanya, baka mas lalo lang akong mawalan ng pagkakataon na makasama siya.

Sinundo ko si Clara sa kanilang bahay pagdating ng sabado. Kikitain namin ang kanyang kuya Patrick sa isang bar na pagmamay-ari ng panganay na kuya ni Clara na si kuya Mike.

Maaga pa lang ay nagtungo na ako sa kanila at sabay nang pumunta doon. Ang kuya niya ay manggagaling pa sa isang flower shop dahil ang event na ito ay para talaga sa girlfriend ni kuya Patrick. I didn't met her yet. But I bet she's beautiful and kind. A kind of girl na gustong-gusto ni kuya.

Pagkarating namin sa bar ay pumwesto na agad kami sa mesang nakareserve. Pero si Clara ay agad na dumiretso sa dance floor at nakita ko pang kumuha ng wine sa counter.

Alam kong dapat ko siyang sawayin pero hinayaan ko na lang. She's thinking about what she heard about Jazz and Rhein. Maayos naman na ang pakikitungo niya kay Jazz pero hindi ko maitatanggi na halata pa rin sa kilos nito ang pagiging awkward.

Maya-maya'y sumunod na kami nila Adrian sa dance floor. Naiwan ang magpinsang si Lhieanne at Jazz sa table. Hinanap ng tingin ko si Clara ngunit hindi ko siya makita.

Puno ang dance floor at maya't mayang may dumidikit sa akin at sinasayawan ako. Gusto ko sana silang pagbigayan pero mas gusto kong mahanap si Clara. Nawala na siya sa paningin ko kanina pa.

"Bae!" Malakas na hagikgik ang narinig ko matapos niyang isigaw iyon.

Nakita ko si Clara na may hawak na isang basong wine at pasuray-suray na naglalakad papalapit kay Rhein na may kasayaw na mistisang babae na may suot na maiksing damit.

I suddenly felt irritated. Alam kong matagal nang ganyan si Rhein pero hindi ko na matanggap itong gustong mangyari ni Clara.

She wants Rhein so bad at hindi ko alam kung ano na namang kabaliwan ang pumasok sa isip niya.

Lumapit siya sa pinagsasayawan nila Rhein at marahas na hinila ni Clara ang kulot na buhok ng babae. Bumagsak sa sahig ang babaeng iyon at agad siyang lumapit kay Rhein na nagulat sa nangyari.

Nakita ko ang pagtayo ng babae at akmang hihigitin na rin nito ang buhok ni Clara nang pigilan ko ito. Hinawakan ko ng mariin ang braso nito at hinagis sa pwesto ni Rhein. Matalim ko silang tinignan bago kinuha ang kamay ni Clara at inilalayan na makabalik sa pwesto namin kanina.

Ang tingin ni Clara ay kung saan-saan na napupunta. Wala nang pokus ito at paniguradong lasing na.

"Why did you do that? Sasayaw pa kami ni Rhein!" Sunod-sunod na sinok ang ginawa niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Iniupo ko siya ng maayos sa sofa at binigyan siya ng tubig.

"Drink this first. Bakit ba kasi nagpakalasing ka? Dadating ang kuya mo mamaya, Clara. Baka nakalilimutan mo." Inilagay ko ang takas niyang buhok sa likod ng kanyang tenga. Sa lapit ko sa kanya ay napagmasdan ko ang kanyang mukha.

"Niccs..." Inilapit niya ang mukha niya lalo sa akin. Ang kanyang mainit na hininga ay dama ko na. Napapikit ako sa aking naramdaman.

I badly want to kiss her right now.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon