Heartbeat 10

1.6K 102 24
                                    

Heartbeat 10

Movie

"Sleepover na lang tayo dito." Ngiting-ngiting sabi ni Clara habang nanonood ng cartoons sa sala nina Rhein.

"Ha? Pwede ba tayo dito?" Nag-angat ng tingin si Lhieanne kay Rhein na ngayon ay nakapamewang habang umiinom ng tubig. Nagtaas siya ng kilay.

"Siyempre papayag 'yan si Rhein. Right, dude?" Nakangising sabi ni Clarence. Nahuli ko pa siyang nakipag-usap dito gamit lang ang tingin.

Tumitig si Rhein sa kanila. Maya-maya'y nagtaas ng kilay.

"No."

"ANO BA YAN! ANG KJ NAMAN!" Sigaw ni Clara.

"Bakit hindi, dude?" Tumayo na rin si Clarence at tinapik ang balikat nito.

"Bawal. Nandiyan si daddy. Magagalit 'yun." Nagkibit balikat siya muling bumalik sa tabi ko. Tinignan niya ang video na in-edit ko.

"Dude, pumapayag naman si tito Elijah a? Anong bago ngayon?" Kumibo si Niccolo matapos niyang pakatitigan ang characters sa pinanonood nilang cartoons.

"Basta bawal." Hindi niya na tinapunan ng tingin ang mga kaibigan naming nagrereklamo sa desisyon ni Rhein.

They are eager to make the sleepover happen. Hindi ko alam kung bakit. Ayos lang naman sa akin iyon dahil pwede na kaming mag-overtime sa paggawa nito. At papaiyak na si Clara. Gustong-gusto niya rito.

Nagpatuloy ang pag-eedit namin habang pinagpatuloy naman nila ang pagkain at panonood. They are now watching horror. Hindi na nga lang ako nagtatapon ng tingin doon.

"Tsk." Reklamo niya nang ayaw mabuksan ang file na back up copy ng videos na kinuhanan namin. Mabuti na lang talaga at nakalkal ko ang laptop niya. Meron pa pala siyang copy. Mukhang pinagtripan niya lang ako kanina.

"Paano 'to? Ayaw mabuksan?" Sunod-sunod ang naging pindot niya sa mouse. May balak pa ata siyang sirain ito.

"Magagawan naman siguro natin ng paraan 'to hanggang mamayang gabi?" Nag-angat siya ng tingin. Bahagya pang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"What do you mean?"

"Bakit ba ayaw mong payagan ang gusto nina Clara? Base naman sa sinabi ni Niccolo, mukhang palagi kayong nagi-sleepover dito. Is it because we're here?" Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nagscroll-scroll lang ako sa mga files.

Hindi siya sumagot agad. I thought he ignored my question. Pero napaangat ang tingin ko nang magsalita siya.

"Why? You want to sleep here?" Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya- panunuya, pang-iinis o kung ano. Pero parang may ibang kahulugan ang sinabi niya.

Tinagilid ko na lang ang ulo ko para mawala ang nasa isip ko.

"Not really. Pero kasi si Clara... masama ang loob niya." Binalik ko ang tingin ko sa laptop. Nagplay ang video na in-edit namin.

Kumakanta ako habang ini-strum ang gitara. I'm facing Rhein and he's playing the keyboard. Malayo ang tingin ko habang siya ay titig na titig sa akin. Ito ang concept na naisip ng kulugong 'to.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha pero maganda ang naisip niya.

"Ibig sabihin, gusto mo rin. Hindi ka naman papayag kung ayaw mo diba? We're talking about sleeping in my house."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Pinapanood niya ang video.

"Right." Nagkibit balikat na lang ako.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon