Heartbeat 35
Family
"Kinakabahan akong makita si Ahma." Bulong ko kay kuya nang makababa na kami sa tapat ng bahay nina Ahma.
Nagpatawag si Ahma ng dinner sa kanilang bahay ni Angkong sa Ayala. Minsan ko lang silang makita at ngayon ay natatakot ako. Sobrang istrikto ni Ahma. Ayokong makita sila.
"Huwag mong katakutan ang lola natin, Jazz. Hindi ka naman kakainin..." He patted my head. Smiling.
"I know, kuya. But she's so strict! At hindi pa natin alam kung para saan ang dinner na ito. Hindi naman pwedeng pinapunta lang tayo ng walang dahilan." Umirap ako.
Bumukas ang double doors ng kanilang bahay at tumambad sa amin ang lumang estilo ng kanilang bahay. Mula sa muwebles, furniture, paintings at aura. Mapapansin din ang pang-chinese na estilo.
Ahma is a pure chinese while Angkong is half filipino and half chinese. That's why both our fathers— mine and Lhieanne— are half blooded. Reason why we have chinese blood also. Dahil Filipino si Angkong, filipino ang surname namin. Halo-halo na ang lahi kaya minsan nakalilito na rin.
Tinuro kami ng kasambahay nila sa dining area. Nandoon na sina Ahma at Angkong kasama ang pamilya ni Jazz with kuya Patrick. Kami na lang pala ang hinihintay.
"Where is your dad?" Mabagal ang salita ni Angkong nang itanong iyon. I don't remember their ages but I think it's from 70 to 80.
"Paparating na raw po. Galing po kasi sila sa opisina." Sagot ni kuya.
Binati namin silang nakaupo doon. Pumwesto ako sa gilid ni Lhieanne. Si kuya naman ay sa kabilang gilid ko. Tiningnan ko ang ayos ng upuan namin.
Sa dulo ng mesa ay si Angkong. Sa kanyang kanang gilid ay si Ahma, tito Ricardo, tita Ales, ate Chi at kuya Patrick. Mula sa kaliwa naman ni Angkong ay bakanteng upuan na para kay daddy, kuya, ako at Lhieanne. Mula rito ay tanaw kong nakatingin sa akin si Ahma. Bumaling ako kay Lhieanne.
"I really hate how she looks at me..." Bulong ko. Seryoso siyang tumango.
"Oo nga e."
"Merlinda, iserve na ang pagkain." Sabi ni Ahma matapos tumingin sa malaki at may makalumang disenyo ng orasan na nakalagay sa itaas ng maliit na tsimineya.
Nagsimulang ilagay ng kanilang kasambahay ang mga pagkain sa hapag. Bumaling ako sa cellphone ko. Nasaan na ba si daddy at baka hindi niya na maabutan ang pagkain. Ayokong mapagdiskitahan kami ni kuya.
Ako:
Dad, where are you? Dinner is served.
Inayos ko ang aking pagkakaupo pagkasend no'n.
"Kumusta na, Ricardo ang inyong kumpanya? Balita ko'y ang anak mo pa rin ang namamahala?" Napabaling ako kay Angkong nang sabihin iyon. Hindi ko malaman ang ibig pakahulugan ng kanyang himig.
"Yes, dad. Maayos ang pamamahala ni Chinita. For the past years, tumaas ang sales ng books kahit mura ang benta sa market." Tumango si Angkong.
"Mabuti naman kung gaanon. But how about you, Josh? You're supposed to be the one who manage your dad and tito's company. Bukod sa ikaw ang lalaki, ikaw ang first born." Nagkatinginan kami nang sabihin iyon ni Ahma. Kay ate Chi talaga unang dumako ang tingin ko. Ahma is being hard on ate Chi again.
"Ahma, si ate Chi po ang una." Sagot ni Kuya. Kita kung paano umarko ang kilay ni Ahma.
"Yes she is. But she's not originally part of the family. Ikaw, Josh ang kinikilalang first born ng inyong generation." Kinuha ni Ahma ang kubyertos at sinimulang umpisahan ang kanyang pagkain. Nagtiim bagang ako. Na saan na ba si daddy nang matigil na ito?
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...