Heartbeat 44
Problems
Ate Chi and kuya Patrick's business opening was a success. Sa unang linggo nito ay marami agad ang nagsipunta. Ngayon ay hindi lang ang company namin ang inaasikaso ni ate kaya mas naging abala sila.
"What's with the puzzled expression, kuya?" Dumiretso ako sa kama ni kuya habang siya naman ay nakatulala sa dulo ng kanyang kama at mukhang may malalim na iniisip.
"Nothing, princess. Tungkol lang sa study..." Binagsak niya ang kanyang sarili sa kama. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Para siyang may mabigat na dinadala.
"Totoo? Parang higit pa ro'n ang problema. Anong problema? You can share it to me." Nginitian ko siya. Imbis na gumaan ang kanyang pakiramdam ay tila nakadagdag pa yata.
Tiningnan niya ako. Lumambot ang kanyang ekspresyon. Nakikita kong may problema. May sikreto. Pero ayaw niyang ipaalam. Binaon ko ang aking mukha sa kanya. My kuya is in pain right now.
"I'm sorry but I can't share it to you. Kaya ko naman. Don't worry." He patted my head.
"And I'm also sorry 'cause I can't help you with your problem. If it's about your girl, I can..." He cutted me.
"I wish it's just about her. I wish, princess. I wish..." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanya. Niyakap niya ako pabalik.
"Kung kaya ko lang kunin ang kalahati sa sakit na nararamdaman mo, kuya. Gagawin ko. Ayokong makita kang nagkakaganito." Bulong ko.
"Ssshh... tama nang ako na lang ang masaktan. Huwag ka lang..."
Nagtaka ako sa mga kakaibang kilos ni kuya matapos ang pag-uusap namin sa kanyang kwarto. Madalas na siyang balisa at mukhang naguguluhan. I really want to know his problem but he didn't want to. Hinayaan ko na lang.
Rhein:
Babe, I'll be there in five minutes. I miss you.
Napangiti ako nang mabasa ang mensahe ni Rhein. Bumaba na ako sa sala at doon na maghihintay. Bibisitahin namin si tito Elijah sa ospital. Nagkaheart attack nitong nakaraan lang si tito at hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Stress daw nitong mga nakaraang si tito at marahil ay hindi niya na nakayanan ang trabaho. Napilitan si Rhein na magtake over sa posisyon ni tito pero alam kong hindi niya pa kaya. Highschool pa lang kami. Hindi pa nga kami nakakagraduate. Nag-aalala tuloy ako sa kanilang dalawa. Nakagugulat ang ganitong pangyayari.
Ilang minuto pa ay dumating na nga si Rhein. Dala ang kanyang kotse ay lumabas siya doon na nakasuot ng pink na polo. Nakatupi ang sleeves nito hanggang sa kanyang siko. He looks matured. Maayos rin na nakaporma ang kanyang buhok.
"I miss you." Bulong ko pagkayakap ko sa kanya. Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Napangiti ako.
"I miss you too, babe. Let's go?" Tumango ako.
Ilang sandali rin ang naging biyahe namin patungong ospital. Nang makarating kami sa kwarto ni tito ay halos maiyak ako. Ayokong nakakikita ng walang malay sa hospital bed habang maraming nakasaksak na kung ano-anong aparato. Sana'y gumaling na si tito. Hindi ko kayang makitang ganito siya maging si Rhein na halatang malungkot at nasasaktan. Alam kong nahihirapan na rin siya sa kanyang trabaho kahit hindi niya iinda iyon.
"Tito, gumising ka na po. Malapit na po kaming grumaduate." Naramdaman kong pinisil ni Rhein ang kamay kong kanyang hawak.
"Namimiss na rin po namin kayo. 'Yung makulit niyo pong halakhak. Miss na miss ko na po..." Ngumiti ako ng pilit.
"Jazz..." Bulong ni Rhein.
"Talk to him, Rhein. Makatutulong 'yan sa kanya para magising na siya." Ngumiti ako sa kanya. Bagsak ang kanyang mga balikat habang nakatingin sa ama niyang walang malay. Malungkot ang kanyang mga mata nang balingan ako. Kahit anong gawin kong pagpapagaan sa kanya, mukhang ang bigat bigat pa rin ng kanyang dinadala.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...