Heartbeat 22
Timing
Binuhos ko na lahat ng luha ko ng oras na 'yun. Ewan ko nga kasi.. Feeling ko ang sakit sakit ng puso ko. Nakakainis lang! Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ngayon. Kaya naman ng lumapit sa akin si Rhein Gabriel. Bigla na lang akong nalungkot at naiyak.
Bakit ganoon? Ang sakit? Hindi ba pwedeng wala na lang yung sakit na nararamdaman ko ngayon?
Ang sakit pala makita na yung taong mahalaga sayo may mas pinapahalagahan na ngayon. Pero bakit ngayon pa? Kung kailan...
Muli na namang tumulo ang aking luha. Hindi ko mapigilan eh.
"Bakit ba kasi di mo magawang maging mabait sa akin at tulungan ako?" Tinignan ko siya sa mata.
Ewan ko kung bakit, the moment na nagsalubong yung mata namin. Feeling ko may iba. Hindi ko man matukoy kung ano 'yun, nakikita ko base sa ekspresyon nitong Gabriel na 'to na may masama siyang binabalak.
At kung ano man 'yun? Wala akong alam..
Lahat kami ay nasa hapag na para sa early dinner. Balak kasi naming magparty sa club nitong resort na 'to kaya naman ay naghahanda na kami. Ngayon lang namin ice-celebrate ang birthday niya. Hanggang bukas kami dito. Sana lang ay maayos itong nararamdaman ko.
"Sabi kasi sa'yo Lhieanne 'wag 'yung shrimp 'yung orderin mo! 'Yan tuloy! Nagkarashes si Clara. Kawawa tuloy siya."
Lahat ay nagulat nang magsalita ng ganoon si Niccolo. Bakit parang affected masyado? Anong meron sa kanilang dalawa?
"Naku hayaan niyo na 'yan! Mag-aaway pa kayo. Ginusto naman niyang kumain 'diba?" Tinignan ko ng masama si Rhein. Napakasama talaga ng ugali!
"O? Tinitingin-tingin mo diyan?" Masungit na sabi niya pagharap niya sa akin.
Magkatabi kasi kami ng upuan ngayon. Nakakapanibago man pero bati na raw kami. Siya pa may ganang magsabi sa akin niyan kanina.
"Wala po. Ay gusto mo nito 'diba?" Tanong ko sa kanya at tinuro ang fried squids.
Kumuha ako at inilagay sa plato at pinaghiwa siya nito. Nang isusubo ko na sa kanya, tiningnan niya lang ako na parang nagsasabi ng 'Bakit yan?'. At dahil gusto ko na maging successful ito. Nginitian ko siya atsaka ko isinubo ang squid sa kanya. Ngumiti lang din siya sa mga barkada namin na nakatingin at dahan-dahan na nginuya ang nasa bibig.
Bakit namin .. I mean, ko ginagawa ito? Well, plano lang naman po yan ni Gabriel. Sabi niya kanina pagkatapos niya akong patahanin, sinabi niya sa akin 'yung balak niya. At ako namang itong si uto-uto sumunod. Dahil ayoko na ng nararamdaman ko ngayon.
Bakit pa kasi sumama 'yang kaibigan ni Clarence? First of all, hindi namin siya friend at pangalawa, ayoko sa kanya kasi inaagaw niya yung atensyon ni Clarence na dapat nakatuon sa akin ngayon.
Nasa bahay kami at kasalukuyang naglalaro ang iba samantalang ang iba naman ay nanonood ng kung anong palabas.
"O? 'Yung mata mo kung saan-saan na naman nakatingin! Tutusukin ko yan!" Sinamaan ko si Rhein ng tingin.
"O? Wag mo na kasing tingnan 'yung dalawa. Mainggit ka na naman e!" Sinimangutan ko siya.
"Nakakaasar na kasi! Bakit ba kasi sila magkasama?" Paghihimutok ko.
"E bakit hindi mo tanungin?"
"Malapitan nga di ko magawa. Tanungin ko pa kaya?"
Kanina ko pa talaga gustong lapitan. Gusto ko siyang batiin at tanungin ng kung ano-anong bagay. Gusto kong itanong kung bakit niya kasama si Elise. Gusto kong malaman kung ano niya ito at bakit sobrang lapit nila sa isa't isa. Di niya na kami masyadong nakakausap. Ako... hindi na.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Roman pour AdolescentsTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...