Heartbeat 36
Alaga
I asked kuya and daddy about what happened to Ahma's place. Totoo raw na fiance ko si Rhein. Iyon pala ang dahilan kung bakit magka-usap sila ni Tito Elijah noong hindi pa kami gaanong magkasundo ni Rhein at hired girlfriend niya pa ako noon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko maintindihan ang deal na pinagsasabi nila. Sinikreto ito ni kuya at Rhein sa akin dahil sa iyon ang gusto ni Rhein. Alam niya raw kasi na tututol ako. Pero ngayong alam ko na, paniguradong lagot sa akin ang lalaking 'yon.
"Bakit fiance, daddy? Arrange marriage ba ang gusto mo sa akin?" Hindi ko na naiwasan na mataasan ng boses si daddy. Mabuti na lang at hindi niya iyon pinansin.
Pagpasok pa lang namin sa loob ng bahay ay iyon agad ang binungad ko. Nalilito kasi ako. Bakit wala akong alam? May tao na palang ipapakasal sa akin tapos hindi ko man lang nalalaman.
"Hindi. I mean, noong una. Pero nang nalaman kong kayo naman pala, hinayaan ko na. I'm not sure before but when I learned that you are together, um-oo na ako. Elijah and I are good friends. Gusto ko ang anak niya para sa'yo, princess." Hinawi ni daddy ang takas na buhok sa aking mukha. Ngumuso ako.
"Daddy, masyado pa akong bata para dito diba? I'm your princess pero pinamimigay mo na ako." Binagsak ko ang aking sarili sa sofa. Si kuya ay nanonood lang sa amin. Nakangisi.
"Hindi gano'n yun, anak. Humahanap lang ako ng lalaking para sa'yo. Classmate kayo at kayo na diba? Hindi ba't maganda iyon? Kayo na talaga hanggang sa huli?" Pagpupumilit ni daddy.
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Gustong umamin pero naisip ko si Rhein. Baka makarating kay tito Elijah. Hindi niya pa rin ata pinaaalam sa kanyang ama.
"Dad..."
"It's okay, princess. Magiging ayos rin ang lahat. Kayo rin naman diba? Kung sakaling maghiwalay kayo, iuurong natin ang agreement. But for now, he's your fiance."
Hindi ako makapaniwala. Rhein Gabriel the man I hated for long is my fiance!
Tinanong ko si Rhein nang gabing din yun at inamin niya naman. Nagtampo ako. Alam niya ang lahat pero hindi man lang siya nagsabi sa akin. Ilang beses niya pang pinilit na magkaibigan na kami pero sinungaling naman siya. Sinisira niya ang pagkakaibigan naming hindi pa nagtatagal.
Hinayaan ko na lang rin ang ginawa nina daddy. Atleast pumayag na si Ahma para kina ate Chi. I'm so happy for them! I'm expecting them in a wedding though kuya Patrick is not proposing yet.
Si Lhieanne naman ay nagkuwento sa akin tungkol sa sinasabi ni Ahma. The Basilio Ahma is talking about is kuya Rendel's grandfather. Chinese rin sila kaya mayroon din silang traditions na sinusunod. In our case, just like what we talked about, pupwedeng hindi na namin sundin iyon. Tutal we're not pure at nasa paniniwala pa rin iyon kunh gusto mong sundin o hindi.
Noon pa lang pala ay pinagkasundo na sila. Alam kong may pinagkasundo kay Lhieanne noon pero hindi ko alam na si kuya Rendel pala ito. Akala ko'y manliligaw niya lang talaga. Ngayon ay nalinawan na ako.
Nagfi-film kami ng movie para sa project namin sa filipino. Lahat ng kaklase namin ay sumang-ayon na kaming dalawa ni Rhein ang magbida dahil alam nilang miyembro kami ng theater club. Ayaw ko sana kaso nagpumilit si Rhein. Pagod na ako sa tasks na pinapagawa sa club at ayoko na sana ng malaking responsibilidad sa classroom pero wala akong nagawa.
"Okay, cut!" Umalingawngaw ang boses ng direktor naming kaklase sa loob ng tahimik na kwarto.
Ikatlong scene na ito ngayong araw. Wala kaming klase pero ito ang pagkakaabalahan naming buong araw at sa tingin ko'y sa darating pang mga linggo tuwing walang pasok.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Novela JuvenilTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...