Dedicated to @gosu12 ♡♡
Heartbeat 11
Hired
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It's already midnight pero gising pa rin ako. Hindi ako makatulog.
Nakakainis kasi 'yung zombies na 'yan! Nagpa-pop out sa isip ko kada pipikit ako.
Umikot ako sa pagkakahiga. Katapat ko ngayon si Clara na mahimbing na natutulog.
Tabi-tabi kaming tatlong babae na natulog sa iisang kama. 'Yung mga lalaki naman ay nasa kabilang kama. Dalawa kasi ang kama dito sa guest room. Parehong king sized bed pa kaya dito na lang namin napagpasyahang matulog.
Ito rin ang suhestiyon ni Tito-- I mean daddy Elijah. Napaikot ang mata ko. Nakakailang tawaging daddy ang ama ng taong kinaiinisan ko.
Nagvibrate ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pag-iisip ko. Nagtaka ako sa kung sino ang nagtext at nagtaka ako na si Rhein iyon.
I thought they are all sleeping?
Bahagya kong sinilip ang kabilang kama. Wala namang ilaw na nagmumula sa cellphone. Madilim dahil nakapatay ang ilaw.
Pero teka? Gising pa siya ngayon? At nasaan ang kurimaw na 'yon?
From: Rhein
Hey. Bumaba ka sa garden. Let's talk.
Nangunot ang noo ko sa nabasa ko. Bumaba ako sa garden? For what reason?
Tumayo ako sa pagkakahiga at sinilip kung nasaan ang Ulan na 'yun. Tinapat ko ang liwanag na nagmumula sa cellphone ko at nakitang wala siya sa pwesto niya katabi nila Niccolo. Maybe he's really downstairs?
Hindi na ako nagreply sa kanya. Bukod sa wala na akong load ay natatakot akong bumaba. Nakapatay ang lahat ng ilaw pagsilip ko sa labas ng kwarto. Tanging liwanag mula sa nakabukas na bintana lamang ang ilaw na naaaninag ko.
Matapos kong magdasal ng paulit-ulit ay nakababa din ako sa wakas. Sinundan ko ang liwanag na nakita ko hanggang sa napunta ako sa kusina. Bukas ang pintuan doon. Lumabas ako at nakita si Rhein na may hawak na baso habang nakatingin sa malayo.
"Ano bang problema mo? Inistorbo mo ang tulog ko. Ang lamig pa dito." Giit ko kahit hindi naman totoo. Gusto ko lang naman siyang konsensyahin dahil sa paghihirap ko na makababa dito.
"What take you so long?" Tanong niya pagkababa niya ng basong kanyang hawak sa bilog na lamesa sa harap.
Umikot ang mata ko sa kawalan.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Hindi ko sasabihin sa kanya na natatakot akong bumaba dahil madilim. Baka katakot takot na pang-aasar na naman ang gawin ng buang na ito.
"Don't talk like I ruin your sleep. Alam kong di ka makatulog." Nagulat ako sa sinabi niya.
"At paano mo naman nalaman?" Humalukipkip ako.
"I saw you changing your position from time to time." Muli niyang kinuha ang mug na hawak niya kanina. Ininom niya ang laman nito.
"Tsk. You pabo! Hmmp! Why did you text me?!" Iritado kong sabi sa kanya.
"Im not a pabo..." Nanlaki ang mata ko. Bakit pati yun alam niya?
[Pabo (I don't know if it's pabo or babo :D) - korean term meaning stupid.]
Magtatanong na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Let's talk about the girlfriend thing that my father--"
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Roman pour AdolescentsTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...