Heartbeat 3
Rose
Clarence Adrian is really a friendly guy. He's more than a pretty face. May sense of humor siya kaya naman ay maganda siyang kausap. Halos araw-araw kaming magkatext at umaabot pa kung minsan ng hating gabi kapag lumipad sa kung anong topic ang pinag-uusapan namin.
Hindi ko na nga nagagawa ang mga dati kong gawain tuwing gabi dahil sa magkausap kami. Kung dati ay nag-aaway kami ni kuya sa paggising sa akin dahil sa panonood ko ng korean novelas, ngayon ay dahil sa pagkahilig ko sa pagtetext.
From: Clarence
Punta ka sa club namin minsan. :)
Hindi mawala ang ngiti ko nang mabasa iyon mula sa kanya. Naghanda na ako nang pangreply sa kanya nang magdalawang isip ako sa isasagot ko.
Ako:
Nakakahiya. Hindi naman ako member doon.
Napabuntong hininga ako matapos masend ang message na iyon sa kanya.
I know this is the oppurtunity para mas mapalapit pa ako sa kanya pero nahihiya ako. Totoo ang sinabi ko sa kanya. Pero nakakapanghinayang.
Clarence Adrian is a member of photography club. Matagal ko nang alam iyon. Sa facebook account niya ako palaging nakatambay dahil nandon ang mga kuha niya. At ang kanyang selfies.
Kanina lang ay naglakas loob na akong i-add siya pero naunahan niya na ako. He sent a friend request and I automatically accepted it. Sakto pang kakapost niya lang ng bago niyang photography kaya iyon ang naging topic namin mula kanina.
And now he's inviting me to visit their club. Nasabi ko kasing hinahangaan ko ang mga scenery na kuha niya.
From: Clarence
Awww. Sayang naman. :( But I will expect you there. Hoping you'll come. :)
Tinaklob ko sa mukha ko ang unan na yakap ko. Palagi siyang ganyan magsalita sa text. I wonder if he's sweet even in personal? Or sweeter?
"Hey, Jazz! Wake up you sleepy head! Nine ang klase mo 'diba? Lagot ka kay Mommy kapag hindi ka pumasok!"
Nagising ako sa kalabog ng pinto sa labas ng aking kwarto. Nakakairita talaga ang boses ni kuya sa tuwing manggigising siya sa umaga.
"Wag mo nga akong takutin kuya! Hindi ako dadalawin ni Mommy kasi good girl ako." Binelatan ko siya kahit hindi niya nakikita.
Tinanggal ko ang kumot na nakayakap sa aking katawan at napansin ang cellphone ko. Nakalimutan ko nang reply-an si Clarence.
Tumayo ako sa kama at pinagbuksan si kuya ng pinto. Sumalubong sa akin ang mukha niyang nakasimangot.
"Istorbo ka!" Salubong ko.
Lalong nagusot ang mukha niya. Nanggigigil niyang kinurot ang magkabilang pisngi ko. Sumimangot ako.
"Hindi ka na ba talaga gigising ng maaga na ikaw lang mag-isa? Lagi ka na lang nagpupuyat!"
"Kuya! Masyado pang maaga para makatanggap ako ng sermon at panggigigil sa'yo! Dinaig mo pa ang nanay kung magbunganga sa akin e." Piningot niya ako dahil sa pagsagot ko.
Wala naman akong nagawa kundi ang ibulalas ang sakit sa pingot niya.
"Im your kuya, Jazz! Respect me!"
Pinagsargan ko siya ng pinto at nanakbo papasok ng banyo. Iniwan ko siya harap ng pinto. I don't want to start my day with a fight. Pinapatulan kasi ako ni kuya.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...