Heartbeat 38
Away
Nakausap ko si tito Elijah tungkol sa dinner na gustong gawin ni Ahma. Agad naman siyang pumayag. Tuwang-tuwa pa nga siya dahil sa wakas ay nabisita ako sa kanila.
Hindi pa nga nasasabi ni Rhein na wala na kami kaya hindi ako nahirapan kung bakit pinapatawag siya ni Ahma.
At siyempre, pinagkasundo nila kami ni Rhein kaya hindi imposible ang ganito! Muntik ko nang makalimutang iyon nga pala ang dahilan kung bakit gusto silang makilala ni Ahma.
Naging maayos ang dinner sa bahay nina Ahma. Nagpahanda pa sila ng iba't ibang chinese foods para sa gabing ito. Hindi ko naman masyadong na-enjoy dahil hindi ako sanay sa mga pagkaing iyon. My dad seldom eats in a chinese restaurant. Hindi ko alam ang dahilan pero iyon ang rason kung bakit hindi rin ako nahilig. My family isn't really normal.
Matapos ang dinner ay sa bahay dumiretso sina Rhein. Hindi pa tapos sa pinag-uusapan nila si daddy at Tito Elijah. Nasa garden kaming lima at nagpahanda si daddy ng ilang inumin at pulutan para sa kanila. Ofcourse I didn't join. Si Rhein ay nakakadalawang shot na. Napailing na lang ako.
"Payag na rin si tita Estrell sa dalawang bata. I thought this is going to be hard since you're from a chinese family." Humalakhak si tito Elijah.
"Siyempre, hindi. Mama is so easy to please. I don't remember she declined any of my request." Ngumisi si daddy. Pinagsalin niya pa ng isang shot si tito Elijah. Napailing ako. Paanong hindi iga-grant ang requests niya? Siya ang paborito ni Ahma sa kanilang dalawa ni tito Ricardo. Bunso e. What do you expect?
"Mabuti ngang gano'n. Kailan ba natin ipapakasal ang dalawa?" Nangunot ang noo ko at humalukipkip.
"You want it next month?" Tumango-tango si tito pagkatapos ay sabay silang nagtawanan. Lasing na pareho ito.
"After graduation!" Suhestiyon ulit ni daddy.
Nilingon ko si kuya at seryoso itong nakatingin kay tito Elijah. Mukhang may malalim na iniisip. Si Rhein naman ay panay lamang ang ngisi habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.
"Wala ka man lang bang sasabihin?" Nagtaas ako ng kilay.
"What will I say? Better? That I want it as soon as possible? Which?" Mapanuya niya akong nginisian. Tiningnan ko siya ng masama.
"Fuck. Sabi ko kasi ay sabihin mo na sa daddy mo ang totoo. Look what happened?" Bulong ngunit may diin ang bawat salita na sabi ko sa kanya. Nakakainis!
"Jazz, kahit na hindi kita niyayang maging girlfriend ko, kung wala akong pinakilala kay daddy, ikaw pa rin ang magiging fiance ko. You don't get it? Diba ang dahilan ko kung bakit kita hinire ay dahil may nirereto sa akin? And that's you, Jazz. Kahit saan natin tingnan, ikaw at ikaw pa rin talaga." Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya.
Right! Just fucking right! Bullshit!
Nagpatuloy sa tawanan ang dalawa. Tumayo ako. Napansin ako ni daddy kaya tumigil siya. Hinarap na rin ako ni tito Elijah.
"You're going to sleep now, princess? How about Rhein?" Pulang-pula na ang pisngi ni daddy.
"Dad, I want this game to end." Sabay na nagkunot ng noo si daddy at tito Elijah. Si Rhein naman ay nagtiim bagang.
"What game, Jazz?" Tila naguguluhan si daddy.
"Ito! Itong panrereto niyo sa amin, daddy. We're humans and we have feelings. We can decide for ourselves. You don't need to fix any marriage for us. At isa pa, masyado pa kaming bata! Ga-graduate pa lang kami ng highschool daddy." Umiling-iling ako. Hindi makapaniwala dahil ginagawa nila ang ganito.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...