Heartbeat 43

1.1K 72 2
                                    

Heartbeat 43

I'm willing

Nagulat ako sa biglaang pagtapat ng ilaw sa aking pwesto. Tanging ito na lang nagsisilbing ilaw sa buong venue. Madilim ang paligid. Ngunit ng dahil sa ilaw na nakatutok sa akin, nagkaroon ng ilaw na sumusuporta upang makita ang iba. Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Tila nagtataka kung bakit ganito. Miski ako ay nais malaman ang dahilan. Nasagot lamang ang mga katanungan ko nang may tumutok ding spotlight sa lugar na mayroong tumugtog mula sa stage, ang bandang kanina pang tumutugtog pati na rin si Rhein na hawak hawak ang microphone na nakatingin sa akin.

Sinimulan niyang kumanta. It's not my first time to hear Rhein sing. Sa theater club ay parati kaming kumakanta. Nagsasawa na nga ako sa boses niya. Pero ewan ko ngayon. Nae-enjoy ko ang pagkanta niya ngayon.

Tagos sa puso ang bawat lyrics na lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro'y tinatamaan ako.

Lumapit siya sa akin habang kumakanta. Ang mga kaninang nagsasayaw ay napatigil sa kanilang ginagawa.

Napingiti ako. Ang hilig talaga ng Rhein na ito na gumawa ng eksena.

Habang papalapit ng papalapit. Lalong lumalawak ang ngiti niya. Kung kanina ay seryoso ang kanyang mukha, ngayon ay halos umabot na sa tenga ang kanyang ngiti.

I smile at him. Ngayon ko lang narealize ang kagwapuhan ng isang ito. Palibhasa ay lagi akong sinusungitan kaya naman ang tingin ko sa kanya ay mukhang demonyo at hindi kailanman in-appreciate ang mapagpalang mukha nito.

Bago pa man siya makalapit sa akin ng tuluyan, kinindatan niya ako. Ipinakita ang kanyang perpektong ngiti at dahan dahan na ibinaba ang mikropono na nasa kanyang kamay.

Hinawakan niya ang kamay ko. Abot-abot naman ang ngiti ng tao na nakapalibot sa amin. Lalong lalo na ang aming kaibigan. Pero pwera na lang kila Clarence na wala na sa aking paningin.

"Jazz. I know that we started as enemy. Unang engkwentro pa lang natin ay galit ka na kaya naman alam kong magpahanggang ngayon ay galit ka pa rin sa ginagawa ko. And I'm sorry for that. Hindi ko 'yun sinasadya." Pareho kaming titig na titig sa mata ng bawat isa. Hindi ko talaga alam. Bawat salitang binibitawan niya ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Parang mayroong maliliit na taong nagbubuhol ng aking sikmura. Hindi ko alam. Para itong binabaliktad.

"Alam ko rin na hindi mo alam kung ano na naman ang ginagawa ko ngayon. Siguro ay iniisip mo na gumagawa na naman ako ng paraan para galitin ka. Pero nagkakamali ka." Ngitian niya ako. Hindi naman ako makatingin noon sa kanya ng maayos. Naiilang ako.

May naisip ako kung bakit niya ginagawa ito. Is he going to confess infront of these people?

"You know what, Jazz. Sa tagal ng pag-aaway nating dalawa, hindi ko namalayan yung isang bagay na matagal ko nang gustong maramdaman. I become so busy on pestering you, na hindi ko napansin na iba ka na pala talaga sa akin. Noong una, hindi ko pinansin. Akala ko mawawala din itong nararamdaman ko cause I know I'm a jerk. I'm heartless. I'm mischievous. But then you prove me that even the most mischievous man in this world can be serious. Na kayang magseryoso sa mga bagay na nilalaro lang." My jaw literally drop. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. I know that I'm dumb sometimes. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko ang assumera ko.

"Nung inamin ko sa sarili ko na mahal kita, biglang parang may tinik na natanggal sa dibdib ko. Para akong lumaya sa kulungang matagal ko nang pinagtataguan. Kaya naman Jazz. Please.. accept my love for you." Lumuhod siya sa harap ko. Puro tili na ng mga babae ang naririnig ko. Mukhang kinikilig sila. Pero ako, hindi ko alam. Wala akong alam sa nararamdaman ko. Wala akong alam. Palagi na lang akong walang alam.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon