Heartbeat 26 Niccolo's

1.2K 70 1
                                    

Heartbeat 26

Childhood

"Nak? Ang aga mo?" Tanong sa akin ni Mommy pagkababa ko sa sala na bihis na bihis na.

"Yup, mom. May susunduin po kasi ako." Ngumiti si Mommy sa akin at lumapit.

"Ang anak ko talagang nagbibinata na a? Kumusta?" I laughed.

"Ma, hindi mo na kailangang magtanong kasi matagal mo nang alam 'diba?"

"So, siya pa rin pala talaga a? I thought magbabago pa yan e. You're still young that time. I can't believe na true love mo na pala talaga siya." Inayos niya ang kwelyo ng uniform ko.

"Ma, I told you. Im serious." Nginitian ko siya at ganoon din ang ginawa niya.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast kasabay si nom and dad ay dali-dali akong nagtungo sa bahay nila Clara at baka hindi ko na naman siya maabutan. Lagi na lang kasi siyang nagmamadali.

Nag-doorbell ako at agad din naman akong pinapasok ng maid nila at pinaupo sa sofa. Tatawagin niya lang daw si Clara.

Hinintay ko ang pagbaba niya. And there I saw her. Her usual look. Nakauniform siya pero nag-iistand out siya sa mga girls sa school kahit pare-parehas lang naman ang uniform nila. It's just that may kakaiba kasi sa kanya. She's always wearing her beanie then earphones. I know she's always listening to some kpop songs.

Unti-unti ko na nga ring kinahihiligan ang mga kantang iyon dahil 'yun ang gusto niya. UNIQ, 2ne1, Bigbang and GG? I guess?

Kung ano ang mahal niya, gusto ko mahal ko rin. Gano'n ko siya kagusto. Gustong-gusto to the point na gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Nilapitan niya ako nang makita niya ako na nakatingin sa kanya. "Bakit lagi mo na akong sinasabayan sa pagpasok?" Tanong niyang inosente.

Urgh. Bakit nga ba?

"Malapit lang naman ang bahay namin sa inyo. So I just decided na pumunta muna dito para may kasabay ako. Bakit? Ayaw mo ba?"

"Nope. It's just that... hindi na ako sanay."

Yeah... Miski ako naman. Gusto ko lang naman sana ngayon na maibalik 'yung closeness na nawala dati. Pwede pa naman 'yun 'diba?

Naalala ko tuloy kung paanong palagi kaming magkasabay sa pagpasok at 'yung closeness namin nung elementary. Hindi 'yun mapapantayan ng kahit ano para sa akin. Nakakapanghinayang lang at mukhang di ko na maibabalik pa ang nakaraan.

"Nicnic, can you please bring my bag just this once? Masakit na kasi yung balikat ko dahil sa p.e." Sabi ng batang si Clara.

That was when we're in Grade 3. Same school at classmate. Palagi kaming magkasama at naglalaro.

I really miss the old times.

Bata pa lang kami ay marami ng mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kanya. Minsan higher year pa nga. Araw-araw siyang nakatatanggap sa kanyang locker ng mga sulat na nagpapaalam ng kanilang mga damdamin ngunit kahit isa doon ay wala siyang binasa.

"Bakit 'di mo binabasa?" Pang-ilang beses ko na itong itinanong sa kanya ngunit nagkikibit balikat lang siya. Nagbabakasakali lang naman ako dahil sa pagkakataong ito ay naglagay na din ako ng sulat.

"Wala e. Alam mo naman na tamad akong magbasa hindi ba? Mas gusto ko ang nanonood o di na naman ay kumakain." Humagikgik siya sa huli niyang sinabi.

Sobrang masayahin si Clara ngunit hindi niya iyon ipinakikita sa lahat kung kaya naman maraming nagsasabi na snob daw siya. Which is sobrang kasalungat ng tunay na siya.

"Alam mo, Clara nakakaasar ka na! Bakit ba palagi ka na lang binibigyan ng letters? Pero hindi mo naman binabasa. Ang kapal naman ng mukha mo!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga classmate ko. Tinapon niya sa harap ng nakaupong si Clara ang punit punit na letters. Hindi naman ito pinansin ni Clara kaya naman ako na lang ang lumapit sa malditang babaeng 'yun.

"Bakit? Kasalanan niya bang gusto nila na sa kanya ibigay ang mga letters? Hindi niyo siya masisisi. Miski ako mas pipiliin kong sa kanya ibigay ang pinaghirapan ko kaysa ibigay sa inyo. You do not deserve to accept such letters." Sinamaan niya ako ng tingin.

"How dare you!" Akmang sasampalin niya na ako ng biglang hinatak ni Clara ang kamay ng maldita.

"Tinatanggap ko lahat ng pang-aapi niyo sa akin pero di ko na matatanggap kung pati ang bestfriend ko sasaktan niyo!" Galit ang maririnig sa tono ng boses niya. Natahimik sa buong classroom dahil sa sigaw ni Clara.

"Aba!" Bago pa man magkasakitan ay hinila ko na siya paalis ng classroom.

Simula ng araw na iyon, palagi nang napagdidiskitahan si Clara. Hindi lang sa classroom kundi pati na rin sa buong campus. Hindi pumapatol si Clara ngunit alam ko, sa tuwing nag-iisa na siya ay lagi siyang umiiyak. Nais ko man siyang patahanin ngunit iyon ang pinakaayaw niya. Ang kaawaan siya.

Kaya naman nang sumunod na pasukan ay hindi na pumasok doon si Clara. Sinabi na lamang sa akin ng isa sa aking mga kaklase na lumipat na raw siya ng ibang paaralan. At doon na nagsimula ang pagkawala ng aming komunikasyon.

Na hanggang ngayon, hindi pa rin nababalik ang dati naming closeness.

Nakarating kami sa school na inaabangan ng barkada. Lahat sila ay nakatingin sa amin dahil nga hindi nila alam ang tungkol sa amin. Lalo na ng dalawang babae na ngayon ay nakakunot na ang noo. Alam lang nila ay ngayon lang kami nagkakilala. Na hindi nila alam na mula pagkabata, magkasama na kami.

"What is the meaning of that, Niccs? Bakit nasa sa iyo ang books ni Clara?" Nagtaas ng kilay si Lhieanne.

Kinuha ni Clara sa akin ang kanyang libro.

"Ano ba kayo! Pinahawak ko lang 'to sa kanya kanina kasi may kinakain ako. Grabe kayo! Utak niyo a!" Nakangiting turan ni Clara at inakbayan si Lhieanne. Hinatak niya ito papasok ng classroom.

"Nice, dude. Binabalik ang nakaraan." Isyu sa akin ni Adrian. Alam nilang dalawa ang amin ni Clara since they are my best buds.

Tinitigan ko ang likod niya paakyat sa hagdan. How I wish. Masarap siguro sa pakiramdam kung maibabalik ko ang closeness naming dalawa.

"Imposible na ata..." Bulong ko. Nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya sa akin. He even stopped. Si Rhein ay mukhang 'di napansin iyon. Dire-diretso ang lakad niya pataas.

Naramdaman kong dumampi ang mabigat na kamay ni Adrian sa likod ko.

"Don't tell me you'll quit? Ang bading mo naman pala." Tinawanan niya ako.

"Fuck you. May mga kaibigan na siya ngayon. Dati ako lang ang kaibigan niya kaya gano'n. And she's... in love with our best friend." Sabay kaming napatingin kay Rhein. Abala siya sa pakikinig sa kanyang earphone.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"E bakla ka nga. If you really want Clara, you'll do anything just to win her. Mukha namang walang gusto 'yan si Rhein kay Clara e. Alam nating dalawa na may babaeng gusto 'yan. 'Yun nga lang ayaw niyang ipaalam." Tumango na lang ako.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon