Heartbeat 21
Selos
Nagising ako ng maramdaman kong may gumagalaw sa buhok ko. Dahan-dahan kong nilingon ang gumagawa noon at nakita si Rhein na nasa gilid ko. Mukha siyang nagulat pero nagawa din niyang ibalik ang masungit niyang ekspresyon.
"Bumaba ka na diyan, panget. Ikaw na lang ang hinihintay." Bumaba na siya sa sasakyan at isinuot ang earphones na nasa kanyang leeg.
"Makapanget naman 'to. Akala mo ang gwapo." Bulong ko. Hinanap ko ang bag sa gilid ko pero hindi ko nakita.
Bumaba ako sa sasakyan at kinulbit ang lalaking nakatalikod sa akin habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa.
"Hoy, nasaan ang bag ko?" Hinarap niya ako ng may blankong ekspresyon. Tinititigan niya lang ako.
"Oo. Ang ganda mong kausap." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papasok sa gate. Napaharap akong muli sa kanya nang marealize na hindi ko alam kung saan pupunta.
"Lead the way, Rhein. Hindi ko pala alam." Ngiting-ngiting sabi ko.
"Psh." Inirapan niya lang ako atsaka nagsimulang maglakad.
Napangiti ako lalo nang marealize na nandito na pala kami sa lugar na paggaganapan ng birthday ni Clarence. I'm really excited! Hindi ko lang alam kung makakayanan ko.
"Gano'n na ba talaga kaganda ang likod ko para kiligin ka sa kakatitig lang?" Nawala ang ngiti sa labi ko ng sabihin iyon ni Rhein.
Talaga nga namang makapal ang mukha ng isang ito.
"Excuse me? Mahiya ka naman." Inirapan ko siya. Dire-diretso ang lakad ko samantalang siya ay nandon lang sa kinatatayuan niya.
Nang lumapit na ang distansya naming dalawa ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako.
"Bakit kailangan mo pang magtiis sa kakatingin sa likod ko kung pwede mo namang hawakan na lang ang kamay ko." Nakatingin sa daan ang mata ni Rhein. Pilit kong hinanap ang tingin niya pero iniiwas niya.
"Rhein, anong nakain mo? Masyado ka ng assuming e. Bitiwan mo nga ako." Kinalas ko ang kamay ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.
"Bakit mo tinanggal?" Bakas ang iritasyon sa kanya.
"Ewan sa'yo, Rhein. Wala dito ang daddy mo kaya wag mong idahilan sa akin ang pagbablack mail mo!" Iniwanan ko siya ng makita na ang kinaroroonan nila Lhieanne.
Ang lakas ng korek talaga ng lalaking 'to. Pasalamat siya at nasa mood ako ngayon. Kung hindi, baka kung ano na naman ang nagawa ko.
"Hoy, babae! Yung gamit mo nandoon na sa kwarto a? Pinaakyat ko na kanina, nakakahiya kasi sayo e! Sleepyhead!" Abot-abot ang tawa niya habang nagpe-prepair ng sandwhich niya.
"Nanggagalit ka na naman, Lhie a?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito naman jino-joke lang e! Ang pikon mo! Pasok kita sa sako e." Kinagat niya yung sandwich niya at nagkalad na palayo. Baliw.
"Andito na ang Lover Boy!" Sigaw ni kuya Rendel mula sa sala.
Kuya Rendel is Lhieanne's suitor? I don't know if they are already together. Basta ang huling alam ko lang ay hindi niya pa ito sinasagot. Ahead sa amin si kuya kaya hindi namin siya gaanong nakasasama. He's a first year engineering student. Pure blood chinese.
Pagkarinig ko no'n ay awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to!
Pumasok siya sa loob. Nakasimpleng pink v-neck shirt lang siya then shorts pero ang sexy tignan. Bakat na bakat mula sa kanyang pink fitted shirt ang kanyang dibdib. Ang gwapo talaga kahit kailan. Lalo tuloy akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Ficção AdolescenteTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...