Heartbeat 25
Stealing
Natigil lang ang aking pag-iyak nang nasa loob na ako ng kanyang sasakyan patungo sa kanila. Nakatulong na rin siguro ang init na naramdaman ko sa kanyang kotse para mawala ang panlalamig ko.
Buti na lang ay nandoon siya ng mga oras na iyon. Buong akala ko pa naman ay umalis na siya sa aming bahay at hindi sinalubong ang bagong taon doon.
Akala ko'y mag-isa na naman akong iiyak sa hindi ko alam kung saan. Akala ko'y lamig ng simoy ng hangin ang makakasama ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Pero mali ako.
Nandiyan siya.
Nandiyan pa rin siya at hindi niya ako iniwan.
Nakarating kami sa bahay nila. Patay lahat ng ilaw. Tanging ang lamp post lang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbi nitong liwanag sa buong kabahayan.
Tahimik kaming pumasok sa loob. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap.
Matapos niyang buksan ang ilaw sa sala ay tinignan niya ako. Nahihiya ako ngayon kung ano man ang itsura ko. I know that I'm a big mess right now. Sinasabi niya iyon kapag kagagaling ko lang sa pag-iyak.
"Isarado mo na lang ang gate kapag uuwi ka na." 'Yun lang ang sinabi niya 'tsaka niya ako tinalikuran. He look so pissed. Siguro ay naasar ko siya dahil sa aking pangi-istorbo.
"W-wait! Saan ka pupunta?" Tumungo ako pagkatapos kong sabihin iyon.
"Matutulog." 'Yun lang ang sinabi niya at nagdiretso na nga sa taas.
Naiwan akong nag-iisa sa sala. Natatakot ako, actually. Dahil ang tanging ilaw lang sa malaking kabahayan ay ito lamang sa sala.
I managed to get myself a glass of water. Hindi naman siguro magagalit si daddy Elijah kung mangingi-alam ako sa gamit nila hindi ba?
Mula sa kusina ay natanaw ko ang maliwanag na ilaw ng buwan. Napagdesisyunan kong lumabas muna doon at siguro'y hinatayin ang pagsikat ng araw atsaka ako aalis. Ayokong mapahamak sa labas.
Inu-unti-unti ko ang pag-ubos sa aking tubig ng biglang nag-ilaw ang isang maliit na puno na may nakadisenyong christmas light.
Nagulat ako sa pag-ilaw nito ngunit humanga sa sunod-sunod na pag-ilaw ng mga halaman na may disenyong christmas light.
Ang ganda nitong pagmasdan. Ang galing. Ang galing ng nag-isip nito.
Tuwing ganitong oras lang ba umiilaw ang mga palamuting ito?
Umagaw sa atensyon ko ang maliit na piraso ng kulay pink na papel na gumulong papunta sa aking paa matapos kong makita ang pinakahuling pag-ilaw ng isang malaking puno.
Pinulot ko ito at binuklat.
Isang pink sticky note. Na walang laman.
Doon ko napansin na may iba pang bagay ang nakakalat sa daan. Mistulan itong direksyon na dapat puntahan. O baka ako lang ang nag-iisip no'n? Nasanay siguro ako sa panonood ng romantic movies kaya naging ganito na ang takbo ng utak ko.
Napangiti ako ng nakapulot ako ng torotot, may maliit na bagay na bilog at kung ano-ano pa. Natatawa ako sa ginagawa ko. Sino ang nagkalat nitong mga ito?
Nakarating na ako sa dulo ng garden. Na may swing at maliit na fountain.
Nagulat ako ng biglang nagliwanag iyon. So, mali pala ako na umilaw na ang pinakahuli sa lahat?
May maliit na banner ang umilaw doon na may nakasulat na 'Happy New Year' .
Napangiti ako. Hindi maalis sa aking labi ang labis na tuwa.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Novela JuvenilTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...