Heartbeat 34

1K 70 13
                                    

Heartbeat 34

Jealous

Pinagalitan ako ni Daddy kagabi dahil naabutan niya akong gising pa ng dis-oras. Humingi lang ako ng tawad sa kanya at hinayaan niya na akong mag-isa sa kwarto. Iniwan niya akong nakahiga at nakatalukbong ang kumot.

Pero hindi niya alam na pag-alis niya ay agad kong tinawagan si Rhein para pagalitan. Ibabalik ko lang ang galit sa akin. After all, it's his fault. Panay ang tawag niya at puro pang-aasar lang naman ang alam. And I can't sleep though. Kaya hinayaan ko na lang din.

Ten in the morning nang magising ako. Nagmadali akong bumaba dahil late na. Hindi ko namalayang tumunog ang alarm ko at nakakainis dahil hindi man lang ako ginising ni kuya!

Diretso ang takbo ko papuntang kusina pero napatigil ako ng mahagip ng tingin ko si kuya at Rhein na nasa sala at nakatingin sa akin.

Binalik ko ang aking tingin sa kanila. Si kuya ay nagpipigil ng tawa samantalang si Rhein naman ay nakakunot ang noo. They both looked at me from head to toe. Maya-maya'y sabay silang napahagalpak ng tawa. Bigla akong nakaramdam ng inis. I was about to turn my back to them nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Morning face, messy hair, white sando and pajamas. Napasabunot na lang ako sa buhok kong sabog sabog dahil sa inis. Tinapunan ko sila ng masamang tingin bago nanakbo pabalik sa kwarto.

"Ano bang ginagawa ng Rhein Gabriel na 'yun dito?" Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin habang nagsusuklay. Bigla kong naalala na kung may pasok ngayon at late na ko, bakit nandito ang Rhein na 'yun?

Nagmadali akong mag-ayos at binaba ang dalawang ugok sa buhay ko. They're talking with a smile on their face. Ang sarap tanggalan ng mga mukha! Bakit ang gagwapo nila sa umaga?

"What are you doing here?" Bungad ko kay Rhein na nakangiti.

"Talagang nag-ayos ka ngayong umaga para kay Rhein? 'Di ba kada gigising ka, hinahayaan mong nakasabog ang buhok mo kasama ang panis na laway sa gilid ng labi mo?"

"KUYAAA!!" I suddenly turned into red. Ang galing ng pagsabat ni kuya. Pinapahiya niya ako!

"Sorry, sis. But I'm just telling the truth. Ganu'n si Jazz araw-araw, Rhein. Believe me." Inabot ko ang kinauupuan ni kuya at sinabunutan siya. Ang lakas ng loob niyang pahiyain ako sa mapang-asar na Rhein Gabriel na 'to!

"Don't worry, Jazz. Maganda ka pa rin naman." Napatigil ako ng marinig ko ang turan ni Rhein. Anong sabi niya?

Nagulat ako nang itulak ako ni kuya kay Rhein. Sakto ang bagsak ko sa kanyang braso kaya naman napayakap ako sa kanya. Nang iangat ko ang tingin ko, nakita kong nakatitig si Rhein sa akin. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang kanyang sobrang lapit na mukha.

His dark brown eyes, pink lips and perfect jaw line.

Biglang nag-init ang pakiramdam ko at bumilis bigla ang tibok ng puso ko. I can't stop myself from staring. I'm memorizing his face. All the details that I can.

"Ehem!" Nagpeke ng ubo si kuya kaya awtomatikong napatayo ako at lumayo kay Rhein.

Inayos ko ang sarili ko. Anong nangyari sa'yo, Jazz at nawawala ka sa sarili mo?

"Masyado niyong in-enjoy ang pagkakadikit niyo a?" Tinapunan ako ni kuya ng masamang tingin. I raised my eyebrow.

"It's your fault, kuya! Tinulak mo 'ko!"

"Whatever, Jazz! Lumakad na kayong dalawa habang wala pa si Daddy." Tinalikuran na kami ni kuya at nagdiretso sa taas. Tinaasan ko ng kilay si Rhein ng maalala ang tinatanong ko sa kanya kanina.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon