Heartbeat 24

1.2K 75 2
                                    

Heartbeat 24

Not worthy

"Alone?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Bumungad sa akin ang walang ekspresyong si Rhein sa gilid ko. Umupo siya sa tabi ko habang naka-squat.

Imbis na mainis sa kanya ay hinayaan ko na lang siya doon. Atleast kahit papaano ay hindi na ako nag-iisa.

"Kanina ka pa dito?" Tanong niya ngunit nagpanggap pa rin akong hindi narinig. Tutal ay hindi naman siya tumitingin sa direksyon ko. Tanging sa madilim na langit lamang nakatuon ang kanyang buong atensyon.

"Are you still mad at me?" Napalingon na din ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin kaya naman pilit kong hinahanapan ang aking mga mata ng mapagtutuunan ng atensyon. Naiilang ako.

Ayoko ng tingin na yan.

"Stop crying." Di ko namalayan na ang kanyang mga daliri ay humaplos na sa aking pisngi. Tinutuyo ang mga luha na umagos dito.

Sa mga oras na ito, ang aming mga mata ay nagtagpo. Ewan ko ngunit ang pagtibok ng aking puso ay biglas bumilis. Ibang-iba sa takbo ng normal na pagtibok nito.

Hindi ko na alam ang gagawin. Pakiramdam ko, kahit na anong oras ay maaaring sumabog ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito.

"What are you doing here?" Tinignan ko siya ng masama. Pagkatapos ay tumingin ako sa daliri niyang hanggang ngayon ay nasa aking pisngi.

Tinanggal niya naman ang pagkakahawak doon kaya naman unti-unting bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.

Nakahinga ako ng maluwag.

Bumuntong hininga siya. Tumayo mula sa kanyang pwesto.

Natatakpan niya na ang kaunting liwanag na galing sa buwan.

"Pinapasundo ka ni Josh."

Tinitigan ko siya ng masama atsaka ko ibinalik ang tingin ko sa katubigan.

"No. Kaya kong umuwi ng mag-isa." Matigas na tutol ko.

"But---"

"I said kaya kong umuwi ng mag-isa!" Sumigaw na ako. Siguro, dahil na rin sa inis ko sa kanya pati na rin ng nararamdaman ko.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Obvious ba?" Pagtataray ko.

"Hindi." He grinned.

I rolled my eyes. Kumuha ako ng bato sa gilid ko at ibinato sa kanya nang hindi nakatingin.

"Sh*t!"

Hindi ko pinansin ang pagmumura niya. Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad palayo sa Devil na yun.

"Ouch! Jazz, wait! Aargh!" Narinig ko pa ang ingay ng dahon sa lupa dahil sa paglakad niya.

Maglalakad pa sana ulit ako at hindi papansinin si Rhein ngunit bigla na lang ako nakarinig ng pagbagsak.

Agad ko siyang nilingon. Isang Rhein na nakahiga sa damuhan ang nakita ko.

Medyo ipinikit ko ang aking mata upang maaninag ang sitwasyon niya. Masyado nang madilim. Di ko siya makita. "Jazz.."

Agad akong lumapit sa pinanggalingan ng salita. Nakita ko si Rhein na nakahawak sa kanyang ulo na nagdurugo.

"Oh my gosh~"

"Im sorry. Im really sorry." Maya't maya ang reklamo ni Rhein sa natamo niyang sugat. Kaya naman ay maya't maya din ang paghingi ko sa kanya ng tawad.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon