Heartbeat 23
Babawi
Buong araw akong walang magawa sa buhay ko. Christmas break kaya naman walang pasok, walang mapagkaabalahan. May kanya- kanyang lakad din ang barkada kung kaya naman, wala akong makasama. Tatlong araw na din akong nagkukulong sa kwarto dahil maging ang kapatid ko ay sumasama kay Daddy sa trabaho. Ako lang tuloy mag-isa.
Matapos naming umuwi galing sa beach resort ay hindi ko na ulit nakausap si Clarence. Nauna silang umuwi ni Elise kaysa sa amin. Inatake ng hika si Elise dahilan para mauna sila. Alalang-alala si Clarence nang makita ko siya.
Noong gabing 'yun ay umuwi sila. Iniwan akong luhaan at nasasaktan.
Hindi ko naman masisisi si Clarence. Siya lang ang maaasahan ni Elise sa ganito. Sila lang ang magkaibigan. Kaya wala akong dapat ikagalit. Wala dapat...
"Ayos ka lang talaga?" Tanong sa akin ni Rhein nang nasa likuran na kami ng van. We're going home. Katulad nang nasa plano.
"I'm okay..."
Buong byahe ay tahimik lang ako. Hindi rin naman ako nakatulog. Pinagmasdan ko lang mga puno't kabahayan na nadadaanan namin.
Sinandal ko ang aking ulo sa bintana ng van. Maraming mga bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon. Ayoko ng ganito. Pumikit ako.
"You can sleep here." Pinihit ni Rhein ang ulo ko at pinatong sa kanyang balikat. Sinilip ko siya pero nakitang nakapikit ang kanyang mata. Hinayaan ko na lang.
He's being nice these days. Though hindi pa rin mawawala na inaasar niya ako. But he's nice. Simula nang mangyari ang isyu noon sa school.
"Rhein..."
"Hmmm..." Hindi siya dumilat. Nanatiling pikit ang kanyang mata.
"Tapos na ang deal natin diba? Hindi na ako pupunta sa inyo para makausap ang daddy mo." Pinikit ko na rin ang mata ko. Bigla akong nakaramdam ng antok.
"I know. But can you please visit dad later? For the last time?" Napadilat ako. Rhein is looking at me. Wearing his usual expression.
"Sige. Pwede mo na rin sigurong sabihin sa kanya na break na tayo. Kaysa sabihin mong pinagpanggap mo lang akong girlfriend mo. Ayos lang naman sa akin. Ginamit mo naman na ako so abusuhin mo na." Mahina akong tumawa. Muli kong pinikit ang mata ko.
"'Wag na. Ako na ang bahala kay daddy. Basta didiretso tayo sa kanila mamaya."
Tulad ng napag-usapan namin ni Rhein, dumiretso nga kami sa kanila matapos naming manggaling kina Clarence. Natutulog daw si Elise nang dumating kami. Sa bahay nga nila siya tutuloy. Napabuntong hininga na lang ako.
"Hello, daddy." I kissed his chicks. Ngumiti lang siya sa akin at inaya kaming saluhan siya sa mesa. Umupo ako sa tabi niya. Gano'n din si Rhein sa gilid ko.
"Dumiretso kayo dito?" Inabot niya sa akin ang isang slice ng pizza.
"Yes po."
"Gabriel, ikuha mo ng maiinom si Jazz. Sayo na rin." Tumayo nga si Rhein sa sinabi ng kanyang ama.
I'm glad that they're close again. Noon ay hinding-hindi ko makikita ang dalawa na magbatian man lang o tawagin ni Rhein na daddy ang kanyang ama. Maayos na silang dalawa ngayon.
"Naninibago pa rin ako na nakakausap ko na ng maayos ang anak ko." Nakita kong sinundan niya ng tingin ang kanyang anak habang papunta sa kusina. Sinilip ko rin siya.
"Kulang lang naman po sa kausap 'yang anak niyo, daddy. Mabait naman po kahit papano." Nginitian ko siya. Masaya ako't masaya siya sa pagbabago ng pakikitungo sa kanya ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...