Heartbeat 45
I'm sorry
Nakangiti kong pinapanuod si Rhein habang naglalaro ng basketball sa loob ng court. Bawat shoot niya ng bola ay titingin siya sa akin ng nakangiti at bibigyan ako ng kindat.
Matapos ang practice ay sinalubong ko siya ng dala kong bimpo at gatorade. Pinupunasan niya naman ang kanyang pawis sa kanyang noo habang nakangiti papalapit sa akin. Ganito na ang nakasanayan namin sa tuwing may basketball practice sila para sa Intrams.
"Yakapin mo nga ako, babe. Masyado akong napagod sa practice." May sumilay na mapaglarong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa akin. Partikular sa aking labi.
Napakagat na lang ako.
"Ayoko, Rhein. Puno ka ng pawis. Umayos ka nga!" Lumipat ang kanyang titig sa aking mga mata. Nawala ang ngisi sa kanyang labi.
"Ganoon, Jazz? Ayaw mo akong yakapin dahil lang pawis ako? You're so bad. Kapag naman ikaw ang galing sa jogging, I'm always willing to hug you kahit pawisan ka pa. Ganyan ka naman, babe e. You don't love me." Nag-iwas siya ng tingin.
Nag-iisip bata na naman ang isang ito. Gustong-gusto na laging nagpapa-baby.
Tumalikod siya sa akin matapos kunin ang towel at gatorade sa kamay ko. Mukhang patungo siya sa shower room ng gym.
Nagtampo talaga ang baby damulag.
"Rhein!" Malakas ang sigaw ko dahil nakakalayo na siya. Alam kong narinig niya iyon. Huminto siya saglit pero hindi ako nilingon.
"Sorry, okay? 'Wag ka ng magtampo." Medyo humina ang boses ko. Nahiya akong isigaw ito dahil nandoon pa ang mga classmates namin na nagpractice din kanina.
Nakakahiya.
Diretso ang naging lakad niya matapos ng sinabi ko. Hindi niya talaga ako nilingon. Nagtatampo talaga siya.
"BABE!" Mas malakas ang naging sigaw ko. Narinig ko pang nag-echo ang boses ko at nagtinginan ang mga kaklase ko.
Mapanuksong tingin at tilian ang narinig sa buong gym.
Nakakahiya ito.
Tumigil siya sa paglalakad at nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa kanyang labi.
Sabi ko na nga ba. He wants me to call him babe at gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao. Papansin talaga 'to.
Humarap siya sa akin. Kahit na malayo ang pagitan naming dalawa ay kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mata at ang magandang ngiti sa kanyang labi. Magkapantay ang pwesto namin kahit malayo. Feeling ko tuloy ay sinadya niya ito.
Nagjogging siya papunta sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.
"Anong sabi mo, Jazz? You call me babe, right?" Matama niya akong tinitigan.
Hinampas ko siya sa kanyang braso pero hindi ko mapigilan ang pagngiti lalo na't nakahahawa ang kanya.
"No! It's just your imagination, Rhein. I will never call you babe." Nag-iwas ako ng tingin.
"Okay. Just wait me here okay? I'll just shower." Bigla siyang tumalikod sa akin.
Ang bilis magbago ng mood niya! Bipolar ang boyfriend ko.
Bago pa man siya makalayo sa akin ay niyakap ko na siya mula sa kanyang likuran.
Naramdaman ko ang saglit na pagtikhim niya. Alam kong nagulat siya.
"Sorry, okay? Sorry..." Sabi ko habang yakap ko pa rin siya mula sa kanyang likuran. Ang aking pisngi ay nakadikit sa kanyang basang likod.
Wala na akong pakialam kung basa na ako ng pawis niya.
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...