Heartbeat 20

1.1K 52 5
                                    

Dedicated to Peppers06 💞

Heartbeat 20

Late

Pumasok na ako kinabukasan. Hindi pa ako handa sa mga maaaring makita at marinig ko sa school pero naglakas loob na ako.

Pagbaba ko sa kotse ni kuya ay may mga mata nang nakatingin sa akin. Nagbubulong-bulungan sila. I can't hear anything but base on the stares they're giving me, I know it's all about me.

Nakayuko lang ako naglakad papasok sa loob ng gate. Sinubukan kong hindi sila pansinin pero parang sinasadya nilang iparinig sa akin ang kanilang bulungan. I heard someone said my name.

"Si Jazz talaga iyon. I stalked her facebook at maraming bash akong nabasa. Mayroon pa ngang nagcocomfort sa kanya. Hindi ko sure kung totoo pero alam kong siya iyon..."

Napapikit ako ng mariin. Dalawang araw nang lumipas at hindi na nga ako nagpakita pero buhay na buhay pa rin sa kanila ang usaping iyon. Binilisan ko ang paglalakad pero may humila sa braso ko. I thought they're going to slap me or anything infront of these people pero nagulat ako nang si Clarence iyon. He's smiling widely. Lilingunin ko sana ang likuran namin para makita ang reaksyon ng mga tao pero inakbayan niya na ako. Sabay kaming naglakad patungong klase.

"Are you okay?" Nakangiti akong tumango. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakatingin sa amin dahil nasa tabi ko siya. I feel safe. Na kahit tapunan nila ako ng masasamang tingin ay ayos lang.

Hindi ko nga lang alam kung bakit kailangang hangaan nila ng ganito sina Clarence. We're all students and humans here. Alam kong hinahangaan ko si Clarence pero iba ang paghangang ito sa kanila. They're praising them. Like the three of them are celebrities.

"Salamat." Nilapag ko ang bag ko sa aking pwesto. Gano'n din ang ginawa niya. Tinitigan niya ako at wala akong ginawa kundi ibalik ang titig na iyon.

"Mabuti na lang at ayos ka lang. Hindi ko talaga alam kung bakit nila naisip ang tungkol doon. Iisa lang ang kaibigan natin, Audrey. Rhein is my bestfriend and your friend too. Hindi imposible na makita nila kayong magkasama." Umiling-iling siya nang sabihin niya iyon. Ang kanyang dalawang kamay ay nakapahinga sa bulsa ng kanyang pantalon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Iba ang paniniwala niya. Iba sa mga iniisip ng ibang tao. Bigla akong naguilty.

Kahit papano ay may katotohanan ang ginawa nilang usapin. Pero hindi totoo na malandi ako at pinagsasabay ang dalawang magkaibigan. Yes, gano'n na din 'yun pero pinakiusapan lang ako ni Rhein. Hindi ko ginusto. Hindi ko pinili. Hindi ako gano'ng tao.

Hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang nakasama ko ang taong matagal ko nang hinahangaan pero marami nang pagbabago sa buhay ko.

Kagabi'y hiniling ko na sana hindi na lang nangyari ang lahat ng ito kahit na ang ibig sabihin no'n ay hindi rin ako naging malapit sa taong pinakagusto ko.

Lunch break at tapos na kaming lahat sa pagkain. Napili kong humiwalay sa kanila para sana'y mapag-aralan ko ang mga topic na nalagpasan. Pero nagpumilit si Clarence na sasamahan ako sa library para maturuan ako. Pumayag na ako para hindi na mangulit.

Nasa harap ko siya habang abala ako sa pagbabasa. Sinabi niya sa akin ang mga napag-aralan nila at hanggang doon na iyon. Nakapangalumbaba siyang nakatingin sa akin habang ang kanyang mga daliri ay marahan niyang tinutuktok sa mesa. Nag-angat ako nang tingin nang hindi ako makafocus sa binabasa ko.

"Clare-"

"Audrey... may itatanong sana ako sa'yo." Nakuha niya na ang buong atensyon ko nang magsalita siya. Seryoso ang kanyang mukha at parang may gumugulo sa kanya.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon