Heartbeat 5

1.9K 120 18
                                    

Heartbeat 5

Partners

"We will having a new play next month so we'll start the practice on Wednesday. Ofcourse, every end ng class lang naman tayo magpapractice so wala dapat akong mababalitaan na bumagsak kayo sa kahit na anong subject niyo..."

Diniscuss ni Ma'am ang nalalapit na play. Sinabihan niya kami noon pa na ireremake namin ang isang sikat na play ni Shakespeare.

Every year ay ginagawa ng school na ito ang play na iyon. I remember ate El as the lead character. Sobrang galing niyang umarte pero wala na siya ngayon dito dahil graduate na siya. And now I'm pressured because my co-members pointed me to cast the lead role. It isn't my first time actually but still...

Napalingon ako sa likuran ko nang maramdaman ang pagkalabit. Hinanap ko kung sino iyon pero lahat sila'y nakatingin sa harapan. Nagkibit balikat lang ako at muling tinuon ang pansin kay ma'am. She's now opening the topic on who will be my partner.

"...he must be good, ofcourse. Hindi pwede ang parang robot magsalita- wala naman sigurong gano'n dito, diba? Next is... he must be good looking. Kasama iyon sa description ng character."

"Ma'am, bakit hindi na lang din si Rhein? Tutal sanay na sanay naman na po siya sa ganito and he's very charming..." Namula ang pisngi ng nagsabi nito. Sabay-sabay silang naghiyawan. Napaikot ang mata ko.

"At bagay sila ni Jazz, ma'am!" May isa pang babae ang sumagaw nito. Napakunot ang noo ko. Sinong nagsabing bagay kaming dalawa?

Nilingon ko ang nagsabi no'n at nakita kong sa akin lahat sila nakatingin. Dahil nasa harapan ako nakapwesto, kitang-kita ko ang lahat ng mata nila. Ang iba'y nakangisi at ang iba'y nanunuya.

"Really..." Nalipat ang tingin ng lahat ng magsalita si Rhein na nasa likuran ko lang pala. Sabay sabay na naghiyawan ang mga siraulo kong kamiyembro. Napahampas na lang ako ng noo.

"Team JaRhein ako!" May biglang humiyaw mula sa likod dahilan para makigaya na rin ang iba pa.

"That's enough, guys! Gumagawa na kayo ng ingay." Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin iyon ni ma'am. Natigil naman ang pang-aasar nila at nagpatuloy si ma'am sa kanyang pinaliliwanag.

"Hindi pa ako nakapagdedesisyon kung sino sa boys ang magbibida. At ang tungkol sa roles niyong lahat, I'll just post it. For the mean time, pagtuunan muna natin ng pansin ang nalalapit niyo nang play. Sa friday na iyon so sana handa na kayo."

Nagpaliwanag pa ng kung ano si Ma'am. Tahimik lang akong nakinig sa kanya at sinusulat ang ibang importanteng bagay. Bigla akong kinabahan nang mabanggit niya ang tungkol sa successful na play noong nakaraang taon. Kailangan ko iyong mapantayan.

Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman na naman ang pagkalabit sa likod ko. Nakasimangot kong tiningnan ang taong 'yun. Nakita ko siyang nakangising nakatingin sa akin.

"Ano bang problema mo, Ulan?"

"Don't call me, Ulan. Hindi yun ang pangalan ko. Pero kung gusto mo, Mr. Perfect na lang ang itawag mo sa akin para match tayo." Ang laki ng ngising pinakita niya sa akin. Anong kalokohan ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Umikot ang mata ko. Handa ko na sana siyang sapukin nang maunahan ako ni Ma'am.

"Jazz! Ano na naman kayong dalawa?" Walang ekspresyong pinakita si Ma'am. Pero alam kong galit siya.

"Ma'am! Nagmememorize lang po kami ng scene. 'Yung pinakadulo po? Para po maganda mamaya kapag in-act na namin." Palusot ng kumag na 'to.

'Yung tinutukoy ni Ma'am kanina na paparating na play this saturday ang tinutukoy rin ni Rhein. Kaming dalawa kasi ang magkapareha at naiinis ako dahil doon. Sana pala hindi na lang ako yung nagpresinta na maging bida.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon