Heartbeat 31

1.1K 74 5
                                    

Heartbeat 31

Yakap

Nang magbalik kami sa klase ay hindi ko na talaga narinig ang isyu tungkol sa aming tatlo noon nina Rhein. Maigi na rin iyon. Habang tumatagal ay lalo kong kinaayawan na madawit ang pangalan ko kay Adrian. Natatawa na nga lang ako. Noon ay sobra ang tuwa ko marinig lang ang pangalan niya. Ngayon, ayaw na ayaw ko na.

Gano'n lang siguro talaga. The way you treat others depends on how they treat you in return.

Change is really inevitable. The feelings I once poured for Adrian is slowly drifting away.

Noon ay akala kong siya na. Na sa kanya iikot ang buhay ko pero mali ako. Tama nga si Clara. That love at this age is not considered as true love. Hindi nga raw dapat na tinatawag na love 'yun e. Tama nga siya. Dapat pala naniwala ako sa kanya.

Nilibot ko ang mata ko sa loob ng classroom. Kalahati pa lang kaming nasa klase. Lhieanne is busy with her book while my other classmates are telling their stories. Napabuntong hininga ako.

Wala pa rin si Adrian. Mukhang hindi pa rin siya papasok dahil sa Elise na iyon. Aasikasuhin niya ito panigurado. Wala pa namang gaanong papasok na teacher sa unang klase ngayong taon. Malamang ay bitin pa sa kanilang mga bakasyon.

Napapitik ako sa noo ko. Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? Kinakalimutan ko na siya. Masakit ang ginawa niya sa akin. Isa siyang paasa. Magsama sila ng Elise niya!

Napabaling ang tingin ko sa pintuan nang mapansing si Rhein ang pumasok. Nakakunot ang noo niya. May biglang sumilay na ngiti sa aking labi.

"You look like a monster." Pang-aasar ko. Napatingin siya sa akin matapos ilapag ang kanyang bag sa kanyang pwesto. Inirapan niya ako.

"Shut up, Jazz. Masyado ka na namang maligaya."

"What's wrong in being happy? 'Di ba ikaw pa nga itong malakas mang-alaska kapag nakabusangot ang mukha ko?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nanatili ang kunot niyang noo.

"Tss. Magpakasaya ka lang. Tapos mamaya, 'wag kang lalapit sa akin kasi nasasaktan ka." Tinalikuran niya ako matapos niyang sabihin iyon. Napakunot ako ng noo. Ano na namang gustong sabihin nitong kulugong 'to?

I was about to ask him again but his earphones are on his ear already. Napabuntong hininga na lang ako.

Dalawang subject na kaming bakante. Nagkatotoo nga ang sinabi kong walang mga teacher kapag unang araw. Dapat pala'y hindi na lang rin ako pumasok.

Sobrang ingay ng classroom. May kanya-kanyang topic ang bawat grupo kaya naman nagdesisyon akong bababa muna sa canteen para makabili ng snacks. Nakakagutom talaga kapag bored. Tinatamad naman akong makipagdaldalan sa kanila. Si Rhein nama'y nawala bigla sa room. Marahil ay nag-cutting na naman.

Nasa gitna ako ng pila sa counter nang may marinig akong usapan tungkol kay Adrian. Palihim akong nakinig. Wala naman sigurong masama diba? 'Tsaka mga junior ang nag-uusap. Hindi naman siguro nila ako kilala kung sakaling mahuli nila akong nakikinig.

"May girlfriend na raw si kuya Adrian." Bulong ng isang babae. Hindi ko na sila nasilip dahil baka mahalata nila ako. Nanatili akong nakatalikod habang nakikinig.

"Wala a. Alam ko nililigawan niya pa lang. Kasamahan ko kaya siya sa club." Sabi naman ng isang babae.

"Hindi. Kanina kasama niya doon sa registrar. Nakakawit pa nga ang kamay ng babae. And she looks young. Parang hindi ka-batch ni kuya. And she looks new."

"Baka transferee?" Napakunot ang noo ko.

Transferee? Hindi na pwede ang magtransfer a? Mage-end na ang klase. Tatlong buwan na lang. At sino iyong babaeng iyon?

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon