Heartbeat 30
Love
Nakaharap ako sa manibela habang iniisip ko kung paano ko mamamaneho ito nang maayos gayong may sugat ang kamay ko. If I use one hand, delikado. Ayos lang sana kung ako lang mag-isa ang mapapahamak.
"Bakit?" Tinignan niya ako pagkatapos ay ang manibela.
Hindi ko siya pinansin at pinilit na ipwesto ang kamay kong may sugat sa manibela. Pero hindi ko pa man nailalapat ay kumirot na agad.
"Use your left hand. Ako na lang ang gagamit ng right hand ko para makapagdrive ka." Tinignan ko siya ng masama.
"Are you kidding me, Clara? Mas lalo lang tayong mapapahamak niyan!"
"No. Marunong din naman ako magdrive kahit papano. Try me, Niccs. Wala kang tiwala sa akin..."
Gano'n nga ang nangyari. Dapat nga ay buong atensyon ko ang nakatingin sa daan pero dahil sa sobrang lapit naming dalawa ni Clara ay nahahati ang atensyon ko.
"Wait, Niccs." Nagulat ako nang hawakan ni Clara ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. Sa sobrang gulat ay nabusina ko ang sasakyan dahilan kung bakit nagalit ang ibang nasa harapan namin. Wala akong nagawa kundi ang mapamura.
"Clara, can you please... move?" Naglayo ako ng tingin. Patuloy pa rin ang pagmamaneho ko at ramdam na ramdam ko ang paninitig sa akin ni Clara. Nakahawak pa rin siya sa manibela.
"Clara, please?" Saglit ko siyang tinignan.
Nangunot ang noo niya at nagulat ako nang ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Nasa kalagitnaan na kami ng village at nagtataka ako kung bakit niya iyon ginawa. I just stared at her habang pinakikiramdaman ko ang nais niya.
"Bakit ba gusto mong lumayo ako?" Hinawakan niya ang kamay kong may sugat. Tinignan niya ito. Nabaling ang atensyon ko don atsaka ko palang nakitang nagudugo ito.
"Stay still." Kinalkal niya ang gamit sa likod ng kotse ko. Kinuha niya ang first aid kit at sinimulang ayusin ang sugat ko.
"Thank you." Sabi ko pagkatapos niyang balutin ang sugat.
"Ano bang dahilan niyan?" Nagtaas siya ng kilay. Hindi ko alam kung lasing pa ba siya o wala na dahil ayos na ayos na ang kilos niya.
"Wala 'to. Tara na." Ii-start ko na sana ang sasakyan ng pigilan niya ako. Ang kamay niya'y nakapatong sa braso ko. Nakatingin siya ng diretso sa akin.
"Bakit?" Nagtaas ako ng kilay.
"Tell me everything, Niccs. Alam kong marami kang gustong sabihin." Nag-iwas ako ng tingin. If she already have a hint about what I feel, hindi pa ako handang sabihin ito sa kanya. Not now.
"Wala, Clara. Let's go."
Hinayaan niyang mag-drive ako. Tumigil na kami sa tapat ng bahay nila at kanya-kanya kaming nagtanggal ng seatbelt.
Nauna siyang bumaba at ganoon din ako. Sinamahan ko siya hanggang sa gate pero nanatili lang siyang nakatayo doon. Nakatitig sa akin. Naghihintay ng kung ano.
Lumapit siya sa akin. Bigla na lang akong nagtaka ng lumapat ang kanyang labi sa akin. She brushed her lips against mine. Hindi ko mapigilan ang emosyong dumadaloy sa aking sistema.
All I want is to kiss her. To let her feel how much I love her.
Nabitin ako nang alisin niya ang pagkakadampi ng kanyang labi sa akin. I want more. Pero hindi ko iyon masabi sa kanya kaya napakamot na lang ako sa batok nang wala sa oras.
"Niccs, do you like me?" Mas nagulat ako sa tanong niya. Kung kanina ay nakayanan ko pa ang mga nangyari, ngayon ay hindi na.
I don't know what will I answer. Aamin ba ako o hindi?
Shit.
I sound so gay.
Nginisian ko siya para naman matakpan ang kaba ko. Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mata. Lumapit ako. I gently brushed my hands into her chin. Nakita ko ang pagsunod ng kanyang tingin doon.
"No." Simpleng sagot ko. Nakatingin pa rin sa kanya.
Ang kanyang nagtatanong na mga mata ay biglang napalitan ng pagkabigo. Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang baba pagkatapos ay pinagsusuntok ako sa hindi ko na alam na parte ng katawan ko. Bakas sa kanya ang panggigigil. Hindi ko alam kung ikasisiya ko ba iyon o hindi.
Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay upang matigil siya sa pananakit sa akin. Not just physically but emotionally. Gusto ko nang tuldukan lahat ng katanungan sa isip ko.
Nginitian ko muna siya nang magsalubong ang aming mga tingin. "Fuck you." Turan niya. I smirked.
"I love you too."
Walang kumibo pagkatapos ng sinabi ko. Halata sa kanya ang pagkagulat. Nanlalaki ang kanyang mga mata.
Ngumisi ako nang mapagtantong hindi ko na siya makakausap ng maayos. I just kissed her in her forehead pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya.
I left her saying what I really feel. Sana lang ay tama ang ginawa ko.
At sana ay wala akong pagsisihan sa mga bagay na ginawa ko.
Hindi pa man ako nakalalayo sa kanila ay narinig kong nagring ang phone ko. It's Clara. Mukhang bumalik na siya sa katinuan niya.
I cleared my throat before answering. Hindi ko pa rin maitago ang ngiti ko. "Hello."
"Talk to me tomorrow, Niccs! Kung hindi, si Kuya na mismo ang ipapakausap ko sa'yo! Aaarrghh!---"
Matawa-tawa ako matapos ng tawag. I really can't believe her. She's the most amazing and craziest girl that I've ever met.
And the girl whom I truly love.
-end of Niccolo's POV-
~*~
A/N: If you want to read more of Niccolo and Clara's stories, you can go to my works and check CHASED which is their story. Sana suportahan niyo rin ito. :) Maraming salamat sa mga magbabasa!
-chinieanne/chianne francisco
BINABASA MO ANG
Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)
Teen FictionTheir Mischievous Heartbeats (BTS V's FanFic) Hopeful Heart Series #2 chinieanne's storyline all rights reserved Jazz Audrey Gutierrez. A fourth year highschool student in Kroner Academy, living a simple and happy life suddenly fall inlove with her...