Heartbeat 42

1.1K 66 4
                                    

Heartbeat 42

Prom

Maaga akong nagising sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sinabi ni Rhein. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang bawat salitang binitiwan niya.

"Tomorrow.. I will be your partner. Susunduin kita bukas."

Napahampas ako sa noo ko. Bakit ba patuloy kong naaalala ang mga iyon? Is it important? Aaargh! Sinabunutan ko ang sarili ko.

"O? What are you doing to yourself, Jazz?" Nagulat ako nang makita si Ate Chi na papalapit sa kinauupuan ko. Nasa dining table ako habang inuubos ang cake na binake kahapon ni Tita.

"Ateee!" Nanakbo ako papunta sa kanya. I really miss ate Chi so much! Bihira ko lang talaga siyang makita dahil sa trabaho niya.

"Good morning, baby Jazz! Kumusta na?" Mahigpit kaming nagyakapan.

"Okay na okay, ate!" Ngiting-ngiti sabi ko pagkakalas sa yakap naminh dalawa.

"Halata nga. Anong meron?" Sabay kaming umupo sa dining table at kinain ang nakahanda sa lamesa.

"Prom namin--"

"Wag kami ang lokohin mo Jazz! Ate, wag kang maniwala diyan. Binisita 'yan kagabi ng prince charming niya kaya ngiting-ngiti!"

Wala akong naging reaksyon kundi ang matunganga.

"Sino 'yan? Alam ba yan ni Josh?" Matawa-tawang turan ni ate. Tinapunan ko ng masamang tingin si Lhieanne bago binalik ang atensyon kay Ate Chi.

"Oo, ate. Si kuya Josh pa nga ang nagpu-push sa dalawa." Nanakbong humahalakhak palabas ng dining area si Lhieanne matapos makakuha ng kanyang almusal.

"So, who's that lucky guy?" Umayos ng upo si ate at itinuon sa akin ang kanyang buong atensyon. I suddenly feel uneasy.

"Wala, ate. Don't mind Lhieanne. Siraulo 'yun e." Di ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!

"Oh my god, Jazz. Nagsesekreto ka na ngayon? Dalaga ka na talaga." Napatingin ako sa bahagya niyang pagtawa. Bakit ang cute ni ate kapag ganyan siya?

"Oo nga pala. May naikuwento sa akin si Lhieanne dati about sa crush mo. Siya ba iyon? A guy named Adrian? Right?" Ngiting-ngiti si ate nang sabihin niya iyon.

Adrian.

Wala na akong emosyong maramdaman kapag nariring ko anh pangalan niya. Marahil natanggap ko na ang katotohanan na hanggang doon na lang talaga ang lahat ng iyon? Siguro nga. But I should be happy right? Pero bakit hindi kuntento ang nararamdaman ko?

Umiling ako bilang sagot sa kanyang katanungan. Nawala ang ngiti sa labi ni ate at kagaya ko ay natahimik din siya. Magkatinginan lang kaming dalawa at dinadama ang katahimikan.

"Ano bang nangyari? Ikuwento mo sa akin. Baka makatulong ako." Ang pagngiti at paghawak niya sa aking kamay ay nakabawas sa lungkot na aking naramdaman.

Siguro ay hindi pa talaga ako tuluyang nakakabawi sa lahat ng sakit.

Kinuwento ko kay ate ang lahat. Simula nang magkagusto ako kay Adrian noong una ko pa lang siyang nakita, pagpilit sa akin nila Clara na magpapansin kay Adrian, pagiging magkaibigan namin hanggang sa nalaman kong may gusto siya sa akin at hanggang doon na lang iyon.

Sinariwa ng ala-ala ko ang lahat ng nangyari. Kung tutuusin, naging makulay din pala ang highschool life ko. But the sad part here is, 'yung taong nagbigay kulay sa parteng ito ng buhay ko ay siya ring nagbigay ng kabaliktaran nito.

Their Mischievous Heartbeats (BTS V FF //Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon