Chapter 44

411 9 0
                                    

"Sandro what is the meaning of this?" ibinato nito kay sandro ang hawak na papel.

"Divorse papers!"

"Yes i know, but why? Dahil ba sa babaeng yun?" naiiyak na ang babae.

"How dare you talk like that tiffany, simula palang alam mong hindi kita gusto, hindi kita mahal at pinilit lang ako ng daddy mo na pakasalan ka!"

"Sandro mahal kita!"

"Hindi kita mahal tiffany alam mo yan, ngayong nabawi na ni mommy ang firm and thanks God! Tapos nadin tayong dalawa!"

"Dahil ba sa kanya, dahil ba kay allison? Alam ko naman na mahal mo padin siya kahit hindi mo sabihin alam ko!!!" nakaluhod na ito sa harap ni sandro.

"Pareho lang kayo ni allison! Ano bang tingin niyo sakin isang bagay na pwedeng paglaruan?"

"Ikaw ginamit mo ang daddy mo at sinamantala ang pagkakataon para makuha ang gusto mo!"

"Sign it! from now on ayoko ng makita ang pag mumukha mo dito sa palace!" galit na galit si sandro at wala itong pakialam kahit naririnig pa ito ng mga magulang niya.

"Magbabayad ka sandro tandaan mo yan!" sigaw ng babae.

Iniwan naman siya ng lalaki sa kwarto kung san sila ng usap.

"Son!"atty. Liza.

"Kuya!"si simon.

"Just leave me alone i'm not in the mood!" umalis ito at dumiretso sa condo niya.

———

Sandro's Pov

Ganito ka misirable ang buhay ko, i'm living like hell.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko para maranasan ko ang ganito.

Nakakapagud na!

Natigil si sandro sa pag mumuni muni ng marinig na may ng dodoorbell.

Tumayo ito at binuksan ang pinto.

"Bro kumusta?" si matt ito kasama si borgy.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"We found out that your single na daw we're here to celebrate, pero nauna ka na pala!" si borgy habang papasok ng condo, nakita niyong lasing si sandro.

"Your condo is quite big huh!" habang pinagmamasdan ang kabuuan ng condo ni sandro, ngayon palang niya ito nakita dahil bagong bili.

"Malaki talaga to, 2 units per floor!"

"Really, bat di mo pa binili buong floor!"

"I have plan na kaya lang naunahan ako may nakabili na sa kabila!"

"Oh really chicks ba?" si borgy.

"How would i know, hindi ko pa nakikita!" itinuloy ang pag inom.

" lets go!" hinawakan ang kamay ni sandro at hinila siya patayo.

"What!?"hindi ito nagpatinag kay matt at nanatiling nakaupo.

"Magpapakilala tayo sa kapitbahay mo!"

"Ang cheap mo naman!"

"Dude your single na diba?"

"Tumigil na nga kayo uminom nalang tayo dito, call everyone mag paparty tayo!"

"How?" takang tanong ni borgy.

"I'm a dj remember? Matagal na akong walang practice kaya mag eenjoy tayo tonight!"

"Here? Are you sure baka sugurin tayo ng kapitbahay mo?" alalang sabi ni matt.

"Hindi yan akong bahala!"

———

2am

Tuloy padin ang party sa unit ni sandro.

Ng bigla ay may kumatok sa pintuan.

"Mr. Sandro Marcos!"

"Yes!"

"Sir i'm from admin po, we received a call from the other unit. Pwede daw po bang pakihinaan ang sounds hindi daw po siya makatulog!"

"What? Please tell her or him na we're just having fun here if gusto niya maki join nalang siya!"

"Ah-- sir kasi po—"

Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin ng biglang lumabas ng unit si sandro at kinatok ang kabilang unit.

Lasing na ito kaya wala nadin sa control.

"Ano bang problema mo?
Sisirain—" natigilan si allison ng makilala ang nasa labas ng pinto.

"You? What are you doing here?
dinuro pa nito si allison.

"Ah sir si maam po yung may ari ng kabilang unit."

"Sandro whats going on?" si matt na dali daling pinuntahan si sanddo.

"So ikaw pala ang may ari ng unit nayan?" nakapamewang na si allison.

"Hoy sandro anong karapatan mong duruduruin ako!" dugtong pa ni allison.

"Sandro lets go back to your unit na!"

"Ikaw sinusundan mo ba ako?" sabi ni sandro ayaw nitong magpaawat kay matt.

"Ano? pwede ba kung alam ko lang na ikaw yung hayop na magiging kapitbahay ko hindi ako lilipat dito!"

"Matt damputin mo na yang pinsan mo, bago ko pa ipadampot sa pulis yan, nakakahiya ka!" tumalikod si allison at pumasok na sa unit niya.

"Nakita mo yun matt , grabe!"

"Sir bumalik nalang po kayo sa unit niyo, para wala ng gulo!"

" sandro halika na nakakahiya!" ginamitan na ni matt ng pwersa si sandro para maipasok ito.

Lasing na ito kaya madali naman niya itong naipasok sa loob.

"Sir thank you po!"baling ni matt sa admin officer.

"Ok lang po sir hinaan niyo nalang po yung sounds!"






Finding My Love(bitter sweet story of congressman sandro marcos)Where stories live. Discover now