Chapter 58

506 10 0
                                    

HOSPITAL

Nagising si allison, nasa tabi nito si madeline.

Nasa room din ang parents niya at sina tita liza.

"Best buti naman nagising ka na!"

"Ang anak ko? Nasan si alexis?" umiiyak na ito at nag hihisterical.

"Best huminahon ka muna!"

"Iha please calm down!" niyayakap ni mrs.ortega si allison.

"Mommy nasan ang anak ko? Si-si sandro nasan si sandro!" sigaw ni allison.

"Anak wala na si alexis!"

"Mommy hindi totoo yan, buhay ang anak ko buhay siya!" umiiyak ito at tinatanggal ang swero niya, agad naman dumating ang doctor kaya naturukan agad ito ng pampatulog.

Sa labas ng kwarto, hindi mapigilan ni sandro ang pag iyak, hindi niya kayang sabihin kay allison ang nangyari sa anak nila.

Naririnig niya itong nagwawala pero hindi niya ito malapitan.

"Kasalanan ko to pops, ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni alexis!" umiiyak ito habang nakayakap sa kanya ang ama.

"That's not true iho!" hinagud ang likod ni sandro.

Nalaman nila na galing sa mga regalo ang bomba na sumabog.

Nag check sila ng cctv at nakita doon na si tiffany ang nagbigay ng regalong may bomba.

Agad naman pinadakip ni pbbm si tiffany, para itong baliw nagsisisgaw ito habang hinuhuli ng mga pulis.

——

SA BAHAY NI SANDRO SA LOAOG

Isang lingo pagkatapos ng libing ni alexis.

Hindi padin makausap ni sandro si allison ng matino, nakatulala lang ito at umiiyak.

Nasasaktan din siya pero kaylangan niyang magpakatatag para kay allison.

"Sir!"

"Ano yun manang doray?"

"Si maam po nawawala!"

"Ano ?"si atty.liza.

" hanapin niyo sa buong bahay!" si pbbm.

Lumabas si sandro sa parking.

"Shit! Yaya kunin mo yung susi ng sasakyan ko dali!"

"Anak anong nangyagari!"

" pops wala yung isang sasakyan !"

Napanic ang lahat tumulong na sa paghahanap sina simon at vinny.

Pasakay na si sandro sa sasakyan nito ng biglang dumating ang sasakyan lulan si allison.

Tinakbo ni sandro ang drivers seat at si allison nga, binuksan niya ito at niyakap ang babae.

"Love san ka ba nang galing?" tanong nito sa walang emosyong si allison.

"Gusto ko na magpahinga!" naglakad na ito papunta sa loob ng bahay.

Sinundan ito ni sandro sa kwarto nila, gusto niyang kausapin ang babae.

"Love, what was that pinag alala mo kaming lahat! San ka ba galing!"

Hindi sumagot si allison.

"Allison ano ba hindi kaba magsasalita?" inis na wika ni sandro.

"Palagi ka nalang ganyan, alam ko masakit mawalan ng anak pero kaylangan natin mag move on!"

"Move on? Ganun lang ba kadali sa inyo ang mag move on? Sandro anak ko yun!" sigaw ni allison habang umiiyak.

"Allison anak ko din si alexis, nasasaktan din ako pero kaylangan kong magpakatatag para sayo, dahil alam kung mas kaylangan mo ako!"

"Sandro hindi kita kaylangan, ang kaylangan ko ang anak ko!"

"Wala na si alexis allison kaylangan mong tanggapin yun!"

"Kasalanan mo to ie kayo ni tiffany kasalanan niyo kung bakit namatay ang anak ko! Sana hindi ko nalang siya pinakilala sayo!" patuloy padin ito sa pag iyak.

Galing si allison sa police station kung saan nandun si tiffany, inamin nito na nagawa niya yun dahil sa pagmamahal kay sandro.

At umaasa ito na babalikan siya nito pag nawala ang bata.

" bakit kaylangan mamatay ng anak ko sandro? Bakit?"

Hindi na sumagot si sandro, kasalanan naman talaga niya ang lahat.

Pinilit na lamang niyang iniintindi ang babae, upang hindi na lumala ang sitwasyon.

Nakatulog na si allison sa kakaiyak.

Tinabihan ito ni sandro.

"Sorry love kung hindi ko naprotektahan si alexis, pero sana pilitin mong lumaban!" bulong ni sandro habang inaayos ang buhok nito.

"I love you!" hinalikan nito sa noo si allison at natulog na.

———

MORNING

Sandro's POV

Nagising si sandro na wala si allison sa tabi niyA.

Hinanap niya ito pero wala, bumaba nadin siya at nagbabaka sakaling makikita niya ito sa baba.

"Mom did you see allison?"

"Hindi pa anak bakit?"

"Wala kasi siya nung nagising ako ie!"

"Baka nandiyan lang nagpapahangin!" si pops.

Bumalik si sandro sa kwarto kukunin nito ang susi ng sasakyan niya ng makita ang isang sulat.

Sandro,

please wag mo na ako hanapin. Gusto ko mapag isa! You can cuntinue your life without me from now on.

Allison

Nabitawan ni sandro ang sulat at napaupo sa baba ng kamA.

"Sandro what happen?" tanong ni atty.ng makita si sandro na umiiyak.

"Mom!" niyakap nito ang ina.

"Kuya the psg saw ate allison driving a car daw papuntang airport." si simon.

"Tara na hanapin na natin siya!" si vinny na akmang lalabas na ng kwarto.

"No! Let her leave, umuwi na tayo ng manila!" tumayo ito at dumiretso sa banyo nag kulong ito doon at umiyak.

Nakita naman ni atty liza ang sulat ni allison.

Kinatok ni vinny ang cr pero  pinigilan siya ni atty liza.

"Pabayaan muna natin siya vinny!"

"Sandro fix your self anak, we are leaving in an hour!" pinipigilan ni atty liza ang maiyak.

she can't imagine na kaylangan ulit maranasan ni sandro ang mga ganitong bagay, babalik na naman ba ito sa dati?

"Hon lets go, simon vincent fix your things we are going back to manila!" naluluhang wika nito sa mga anak.

Niyakap namn siya ni pbbm.

"Bong, our son" naiyak na ito ng tuluyan.

"Ssshhhh magtiwala tayo kay sandro kakayanin niya yan!"

Maririnig naman ang iyak ni sandro sa loob ng cr.

Ano bang naging kasalanan niya sa past life niya at ganito nalang ang pahirap na dinadanas niya.

Maybe he really has no right to be happy.

Is this really his and allison's destiny?

Hanggang dito lang talaga siguro sila.

Finding My Love(bitter sweet story of congressman sandro marcos)Where stories live. Discover now