Napakakomplikado ng buhay... May mga taong bigla nalang darating ng hindi mo inaasahan.
May mga taong napadaan lang sa harapan mo, pero sila na pala ang makakasama mo ng pang-matagalan.
Minsan naman, akala mo siya na. Akala mo last mo na siya. Pero hindi eh. Kasi hangga't hindi pa kayo nagtatagpo ng taong para talaga sayo, hindi pa din magwoworkout yung relasyon niyo kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa.
Pero pa'no mo nga ba malalaman na siya na talaga yung tamang tao para sayo? Siguro nga dun mo mararamdaman yung feeling na hindi mo pa nararamdaman sa kahit kanino man.
The feeling of completeness...
Yung feeling na pag magkasama kayo, kahit saan man yan, kahit sa harap ng pinakamaduming ilog, pakiramdam mo ikaw pa din ang pinamaswerteng babae sa buong mundo dahil katabi mo siya at alam mong mahal ka niya. Naiintindihan ko na kung bakit may mga normal na taong naiinlove sa mga may kapansanan, o 'di kaya mga mayayaman tapos maiinlove sa mahirap, kasi nga naramdaman nila yung feeling of completeness. Yun yung feeling na hindi kailangan ng mararangyang bagay, magandang mukha, o kung anumang bagay na magpapakumpleto sa pagkatao niyo kasi masaya na kayo sa presence ng isa't-isa't.
Endurance
Yung feeling na gaano man kahirap yung pagsubok na pinagdadaanan niyo, nasosolve niyo ng hindi pumapasok sa isip niyo ang sumuko. Kaya niyong tiisin lahat wag lang kayong maghiwalay.
Gratefulness
Yung feeling na sobrang thankful ka kay God dahil dumati siya sa buhay mo... Na kahit pandesal lang yung hiningi mo, burger ang binigay sayo.
Satisfaction
Yung feeling na kahit may dumaang gwapo at macho, hindi bibilis yung tibok ng puso mo.
Patience
Kahit saktan mo siya ng paulit-ulit, ikaw pa rin ang pipiliin niyang makasama.
Assurance
Unang kita mo pa lang sa kanya, nakikita mo na ang sarili mong nakaharap sa altar kasama sya.
Selflessness
Yung taong hahayaan kang gawin ang gusto mo, kahit na sobrang nasasaktan na siya. Yung taong walang ibang gusto kundi makita kang masaya.
Connection
Yung taong hindi ka kayang iwanan dahil tumatakbo lang ang mundo niya sayo... Yung tipong alam niya lahat ang sagot sa mga katanungan mo.
Lahat ng yan nakita at naramdaman ko sa kanya.
Pero... Pero... Madami pa ding pero ang gumugulo sa puso't isip ko.
Kung bakit ba kasi naimbento pa ang salitang PERO?
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?