Chapter 22. Hawak-kamay
DIA'S POV
Ewan ko ba kung bakit ako nakipagsayaw kay Kace... Eh kasi naman, nakakahiya kaya kung hindi ako papayag, tapos itong si Troy kung makapag 'what if I say no' kanina, akala niya pag-aari niya ko. Hindi naman... Hindi nga ba? Argh! Tapos bigla na lang akong lalayasan?! Hindi manlang lumilingon! Nangyari na to ah... Magpapanggap nanaman ba akong nadapa?
Pinagtitingan ng mga babae si Troy. Tss. Pati yata yung mga member ng fans club ni Kace, nakatingin sa kanya. Bakit ba napaka attractive niya sa mga babae (-.-) sorry kayo, akin na siya... Ito nga oh! Galit nanaman siya sakin. Psh
"Hi?" Bati sa kanya ng babaeng nakawhite na sleeveless dress. Shet ang sexy naman niya... Halatang halata ang curves sa katawan tapos nakikita pa yung cleavage niya >__< eh ako? Flat chested huhuhu. Napatingin naman si Troy sa babae. Nakakabwisit!
"Hello." Sagot ni Troy. Waaaaah! Ang kapal ng mukha! Pinansin pa talaga! Sa harap ko pa! Yung babae naman, hindi yata alam na kasama ako nitong si Troy... Pa'no ba naman kasi, hindi manlang maalis ang tingin niya kay Troy. Arrrgh. Kainis kainis kainis! Magsama kayong dalawa!
"By the way, I'm....." Sabi ng babae...
Pero hindi siya pinatapos ni Troy, naglakad na siya papunta sa labas... Ang bastos naman (.__.) pero okay na rin! Buti nga sa kanya! Ang flirt kasi!
Hindi ko alam kung galit ba siya o ano... Nakakainis ang lalaking to! Tapos basta basta niya nalang ako hahalikan? Hindi naman pala siya nagalit... Eh bakit may pa walk-out effect pa siya dyan? Kainis! Ang arte! (-.-)
"Babygirl... Uwi na tayo." Sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse. Hindi nga siya galit. Ang gulo talaga nitong taong to. Sarap batukan!
Nasa loob na kami ng kotse... Walang nagsasalita sa'min... Errr ang bilis nanaman niya magpatakbo -___- pero mas mabilis yung dati.
Aha! Alam ko na kung anong sasabihin ko kay Troy! "Troy? Favor... Patulong naman..."
"About what?" Tanong niya.
"Kasi ano... Si ate, nagtatampo sa'kin... Tulungan mo naman ako." Oh di'ba ang galing ko! Siguradong nagbago na agad yung emosyon niyan. Wahaha. Pero totoo naman eh, magpapatulong naman talaga ako para makipagbati na si ate... Madami pa naman siyang pinapabili sakin sa Hong Kong... Nakalista na yun lahat eh. Tapos hindi pa niya nabibigay yung pera. -...-
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?