Chapter 47.1 Girlfriend

927 13 0
                                    

Chapter 47.1 Girlfriend

Shiro's POV

"Anong sabi mo?" Tinanong ko siya. Narinig ko yung sinabi niya pero hindi ako sure kung tama ba yung pagkakarinig ko.

"Hindi mo ba alam na kapag magkapartner kayo sa kasal ng iba, hindi na kayo magkakatuluyan." Mahina niyang sabi.

"Talaga?" Tanong ko.

"Oo ngaaa. Hihihi." Sagot niya. Nakapikit siya pero nakangiti.

"Ikaw talaga." Sabi ko.

"Shi...Shiyom...." Bulong niya.

"Oh?" Sabi ko na lang. Ano bang meron dito kay Kim ngayon?

"Ayaw mo ba?" Tanong niya.

"Huh?" Ayoko ng ano?

"Sakin?" Nagulat ako kaya bigla kong naigilid yung sasakyan tapos itinigil ko sa tabi, 'di ko din alam kung bakit. Buti na lang wala pa kami sa highway.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Kung ayaw mo sa'kin, sabihin mo na ng mas maaga para hindi ako umaasa ng ganito. Masakit kaya umasa, alam mo ba yun? Siguro hindi mo nga talaga alam kasi kung alam mo, edi sana ano... Hay... Ang tagal ko na kayang umaasa tapos----"

Hindi ko alam kung bakit...

Pero kusa ko siyang hinalikan.

Alam kong mali kaya tinigil ko kaagad.

"Nakainom ka ba?" Tanong ko. Amoy alcohol siya. Pinaghalong alcohol at strawberry.

"Hindi ah." Sabi niya tapos ngumiti lang siya. Tsk

"Ano na?" Tanong ko. 'Di ko din alam kung anong ibig kong sabihin sa tanong ko.

"Hmm..." Tiningnan niya lang ako.

Ewan! Bahala na nga! Pero pa'no kung lasing pala siya? Pero mas okay nga yun diba? Mas nagiging totoo nga yung tao pag lasing eh.

"Pa'no kung ligawan kita?" Tanong ko. Dati ko pa talaga 'to gustong itanong sa kanya. Ewan ko ba kung ba't ngayon pa talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob. Kung kelan naman hindi ako sigurado kung nasa tamang pag-iisip ba siya.

"Aish! Wag na no!" Sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi girlfriend mo na ko.^_^" sagot niya ng nakangiti at nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko siya magawang tingnan ng diretso. Ewan ko ba.

"Ayaw mo? Sabi ko na nga ba ayaw mo eh! Kaya ayokong umasa na---"

"Shhh." Nilagay ko yung hintuturo ko sa bibig niya.

Lumapit ako sa kanya...

"Ikaw talaga. Sino bang may ayaw na maging girlfriend ka." Sabi ko. Awkward na talaga.

Hinawakan ko yung kamay niya.

Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit hindi mabura-bura yung ngiti ko.

"Matulog ka na." Sabi ko sa kanya habang nirerestart yung kotse.

Dia's POV

At dahil si mama na mismo ang nag-offer kay Troy na dito matulog sa bahay dahil daw pagod si Troy at malayo pa ang bahay... Malayo? Eh ilang minuto nga lang yung byahe papunta sa kanila pag galing dito samin.

Ayan tuwang-tuwa ang loko. Lagi na lang nakikitulog dito. Tss.

Hay nakoooo!!! Baliw talaga si ate. Nakuha pa talaga niyang magkunwaring tulog kay kuya Shiro? eh galawin mo nga lang yung isang strand ng buhok niya, magigising na siya, yan pa kayang buhat-buhat siya ni kuya Shiro. Wahaha

Oo, hinatid lang naman siya ni Kuya Shiro dito na buhat-buhat siya. Tapos ang tagal pa nila makarating, 10 kasi ng gabi, nandito na kami tapos sila, mga 12 pa sila nakarating.

"Huy ate! Gising! Ikaw ha! May pabuhat buhat ka pang nalalaman!" Sabi ko habang niyuyugyog siya sa kama. Hindi siya sumagot.

Bigla kong naalala kanina sa reception... Madami nga pala siyang nainom na cocktail dahil akala niya juice lang yun. Muntanga tsk.

Confirmed! lasing si ate. (-___-)

Pumunta na ko sa kwarto ko...

Ay wait!!!

Pinuntahan ko pala muna s Troy sa guest room.

Ano kayang ginagawa niya? Tss

*bukas ng pinto* sorry nakalimutan kong kumatok.

*silip* patay na yung ilaw pero nakabukas yung lampshade.

Mukhang tulog na siya. Lumapit ako sa kama.

Ohmygosh naman! Bakit wala siyang damit? Nakaboxers lang siya tapos nakatihaya sa kama. Eh ang lakas pa naman ng aircon. Ang lamig eh.

"Troy..." Tawag ko sa kanya. Baka sakaling gising pa pala siya.

Pero hindi siya sumagot. Mukha ngang tulog na siya.

"Hay naku bakit ba hindi ka nagdadamit dyan, eh kung magkasakit ka! Ang lamig kaya oh. Kung hindi lang hot yang katawan mo, kanina pa sana kita tinakpan ng kumot." Wahaha ano ba tong pinagsasabi ko. Makaalis na nga!

"Goodnight, baby." Sabi niya bigla nung papalabas na ko ng pinto. Grrrr! Sabi na nga ba nagkukunwari lang siyang tulog eh!

*****

Wake up feel the air that I'm breathing

I can't explain this feeling that I'm feeling

I won't go another day without you

Without you

Hold on I promise it gets brighter

When it rains I'll hold you even tighter

I won't go another day without you

Without you

*****

Ano ba naman! Ang dilim dilim pa nga may nagpapatugtog na ng music! Bumalikwas ako sa kama ko.

*kurap kurap kurap*

*lumaki yung mata ko*

"Hi," WAAAAAH AKALA KO MULTO!!!

"TROY NAMAN EH!" Napabangon ako bigla.

*****

At dahil baliw 'tong si Troy, ang aga ko tuloy nagising. Nanonood kami ngayon ng movie sa sala.

"Ahhh ang sakit ng ulo ko." Reklamo kaagad ni ate habang pababa ng hagdan. Eh lasing ba naman siya kagabi.

Dumiretso siya sa kusina...

Napalingon kami ni Troy sa may pinto... Si Kuya Shiro?

"Hi Dia!" Sabi niya.

"Kuya Shiro..." Ah eh. Wala akong masabi hahaha.

"Hey bro!" Bati ni Troy sa kanya.

"Gising na ba yung girlfriend ko?" Sabi niya. Girlfriend?????O___O

Biglang sumulpot si ate galing sa kusina pagkarinig niya ng boses ni kuya Shiro.

"Girlfriend?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni ate.

GIRLFRIEND? TAMA BA KO NG DINIG O BINGI LANG AKO? OMO! SILA NA NI ATE? Kelan pa?! Pero bakit parang nagtataka din si ate? Huh? Anong meron? O___O

Napatingin ako kay Troy...

"KAYO NA?" Sabay naming tanong.

nagtinginan sila...

What the?!

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon