Chapter 32. Why so sweet

1.3K 20 4
                                    

Chapter 32

Mommy Kristy's POV

"Manang nakauwi na po ba si Dia?"

"Hindi ko po napansin."

"Dia?" Binuksan ko ang kwarto niya pero wala siya. Hindi pa nga talaga siya nakakauwi. Worried na ako dahil kanina pang alas tres nagsuspend ng klase sabi sa TV.

Tatawagan ko na sana siya pero bigla kong napansin ang wiring sa may kama niya. Naiwan niyang nakacharge ang cellphone niya. Hays. Pero biglang tumunog ito kaya dali dali kong kinuha. Like really? I can't believe what I'm seeing right now. Tumatawag si Troy. Buti naman hindi pa niya binubura ang number nito. (O^O)

Huminga ako ng malalim at sinagot ko agad without hesitations.

"Oh Troy? Kamusta? Naiwan ni Dia dito sa bahay yung phone niya eh."

[ Tita?]

"Yes. Ako nga to.(^_^)"

[ah. Sige po. Hindi pa po ba siya nakakauwi?]

"Naku hindi pa. Susunduin ko na nga sana----"

[AY WAG NA PO TITA. AKO NA PONG BAHALA. TSAKA PO TITA, SA HOTEL NALANG KAMI MAGO-OVERNIGHT AH. BAHA NA DAW PO KASI. SIGE PO, BYE PO!]

Binaba na niya agad? Apurado masyado itong si Troy. Naku takot yata na baka hindi ako pumayag sa gusto niya. Well, may tiwala naman ako sa kanya at alam ko kung anong klaseng bata siya. Naramdaman ko yun, the first time I saw him with my daughter.

Naku naku... Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi nagkakamali ang instincts ko pag dating sa mga love problems ng mga anak ko. Alam kong may dahilan kung bakit nakipagbreak si Troy kay Dia. Alam kong mahal niya ang anak ko at hindi niya yun gagawin without deep reasons. At ngayon, nagkabalikan na ba ulit sila? Ang gulo ng dalawang ito. I think it's time for me to cogitate and make a way for them to be together again!(^ν^)

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon