Chapter 44. Birthday?

976 14 3
                                    

Chapter 44. Birthday?

Dia's POV

Grrrrr!!!

Ano bang binabalak ng bruhang yun? Potek. Epal eh! Padabog akong pumasok sa kwarto. Nakakaasar talaga!

Pumasok na ako sa cr para maglagay ng napkin. Bwisit lang!!!

Pagkalabas ko sa cr, dali-dali na akong humiga sa kama. Tumalikod ako kay Troy. Tss. Nakakainis talaga!!!

"Babygirl..." Hinawakan niya yung braso ko. Ugh

"ANO?" Tanong ko.

"Wala lang." Sagot niya. Naramdaman ko na lang na inaamoy niya yun buhok ko. Ang lapit na pala niya sakin. Hindi ko pa naman sure kung mabango yung buhok ko! Potek nakakahiya!!!

"WALA NAMAN PALA EH!" Sagot ko. Kainis talaga!

"Are you okay?" Tanong niya.

"Sa tingin mo?" Dami pa kasing tanong bwisit na bwisit na nga ako eh.

"What's wrong?" AYAN PA-ENGLISH ENGLISH NANAMAN!

"EWAN KO SAYO!" Sagot ko. Kakabwisit talaga.

"Ba't mo ko sinisigawan?" Tanong niya. Eh bakit ba! Paki ba niya! gusto ko sumigaw eh!

Naramdaman ko na lang na tumayo siya sa kama.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

Hindi siya sumasagot.

HMP! BAHALA NGA SIYA! Pinikit ko na lang yung mata ko. Kung ayaw mo sumagot, edi wag!!!

Pinikit ko na lang yung mga mata ko. tss arte nitong Troy na to!

After mga 2 minutes siguro...

Biglang may nagbukas ng pinto kaya napabalikwas ako.

Akala ko may pumasok... Nakita ko na lang yung likod ni Troy...amp ang sexy...

HOOLOOO! LUMABAS SIYA? WAAAAAH UUWI NA SIYA?!

"Wait lang! Wag mo kong iwan!" Ano daw sabi ko? Hahabulin ko ba yun? Tsk. Wag na nga! Hayaan ko na nga! Arte niya lang yun!

*

"Dia! Baba na! Kakain na!" Tawag ni manang sabay bukas ng pinto. Napabalikwas tuloy ako. Kakain? Ayoko kumain. Nakakatamad. Mamayang lunch na ako kakain. Ang sakit ng puson ko eh. Wala nga pala kaming pasok ngayon, isang subject lang kasi dapat kami kaso nagtext yung prof na wala daw siya ngayon. Haay buti nalang.

"Ayoko magbreakfast manang!"

"Breakfast? Eh tanghali na ah?" Sabi niya. Tanghali na?

"Weh?"

"Oo nga. Umalis na pala si pogi. Bumaba ka na, baka magalit yung lolo mo." Sabi ni manang. Pogi? Ah si Troy. Tss. Magkasabwat nga talaga sila.

"Sige na nga." Sagot ko. Nagsuklay lang ako ng onti. Mamaya na nga ko magtotoothbrush. Wahaha. Chineck ko muna kung meron akong blood stain ulit, buti wala naman. Maya na din ako maliligo, after kumain.

Kasabay kong bumaba si manang... Dinig na dinig ko yung boses ni Lola sa dining area.

"Baka naman nananaginip ka lang nung nakita mo si David!" Sabi bigla ni lolo. Huh? Di pa alam ni lolo na nandito si kuya? Asan na nga ba yun? Si ate lang kasi yung nandito sa lamesa, pati si lolo at lola. Wala si mama at papa, baka inaasikaso siguro yung para sa Wedding nila lola? Mukhang andaming ek ek para dun ah!

"HINDI NO! MAY KASAMA PA NGA SIYANG BABAE EH. JASMINE DAW." Paliwanag ni lola. Jasmine? Sino yun? Eh si Tiffany yung kasama ni kuya kanina ah? Sheet magkasama pa kaya yung dalawang yun? Pa'no ba kasi nangyari na magkasama sila? AH TAE! NAGUGULUHAN AKO!!! BV!

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon