Chapter 39. She's Mine.
Dia's POV
"YES!!! Nakabili na rin ako sa wakas! Akala ko talaga mauubusan na ko eh! Phew!" Nandito kasi kami ngayon ni Leigh sa ticketnet para bumili ng ticket sa concert ni Lee Min Ho. Wakeke. Buti may natira pa sa pera ko. Kaso isa lang yung nabili ko, upperbox pa. Pero okay lang kahit wala akong kasama. Ayaw naman kasi ni Leigh.
"Bakit kasi hindi ka nalang humingi kay Troy? Eh diba close naman sila?" Tanong ni Leigh.
"Sa tingin mo, bibigyan ako nun? Tsaka galit ako sa kanya!"
"Eh malay mo, stepsis niya talaga yun."(nakwento ko na nga pala lahat kay Leigh) Sabi ni Leigh habang ino-off ang cellphone niya. Tumakas lang kasi kami kay Dwight. Ayun naiwan siya sa school. Mehehe. Ang kulit kasi eh.
"Ano ka ba! Sinabi na lahat ni Kuya Shiro kay Ate Kim yung totoo. Lecheng babae yun! Kung hindi lang yun buntis, mapapatay ko talaga yun eh." Sabi ko. Alam ko na ang buong kwento. Yung totoong kwento ha, at hindi yung mga kwentong barbero ni Troy.
"So, si Troy nga talaga ang ama?" Tanong niya.
"Syempre hindi!" Hindi nga ba? Waaaaaaaaah?! Sabi kasi ni Kuya Shiro hindi naman magagawa ni Troy yun eh. T^T
"Ang sinungaling naman nyang boyfriend mo, sabi sayo eh si Kuya nalang dapat. Hindi pa marunong magsinungaling yun. Pa'no kung ligawan ka ni kuya?" Ayan nanaman siya sa kuya niya.
"Wag ka nga Mag isip ng kung anu-ano Leigh."
-
Nakabalik na kami sa school, naglalakad kami papunta sa room. Lagot kami kay Dwight nito. Pero okay lang yun. Bumili lang naman kami ng ticket eh.
Dwight's POV
"Hoy Leigh, baka naman sinisiraan mo ako kay Dianna." Sabi ko habang pinapanood si Leigh gumawa ng assignment nila. Kakauwi lang namin galing sa bahay nila Dianna. Hinatid ko pa kasi siya, si Leigh naman sumabay nalang samin at hindi na nagpasundo kay Kuya Clinton, yung driver niya. Gumagawa siya ngayon ng script sa study table, para daw sa play nila sa Philosophy.
"Grabe ka! Nilalakad nga kita sa kanya eh!" Sagot niya.
"Weh? Eh bakit niya ko iniiwasan? Tapos may patakas takas pa kayong nalalaman kanina! Bibili lang naman pala ng ticket sa concert nung panget na si Lee Min Ho." Eh kasi naman grabe makaiwas yung babaeng yun. Samantalang dati, lapit ng lapit sakin. Tss. Tapos tinakasan pa ko kanina. Ito namang kapatid ko, nakikisabay din sa trip nun.
"Aba ewan ko! Tinulungan na nga kita sa kanya eh, ginawa ka na ngang bodyguard eh!"
"Napopogian ka ba dun sa boyfriend niya? yung si Troy ba yun?" Tanong ko.
"Oo naman. Pogi kaya ni Troy! Tapos ang tangkad pa. Tapos ang kinis! Tapos ang ganda ng lips! Tapos... Ano pa ba?!" Ah ganun! Ginagago ako nitong kapatid ko ah!
"Tapos babatukan na kita!" Sabi ko sa kanya.
"Hahaha! Eh nagsasabi lang naman ako ng totoo. Pero patapusin mo kasi muna ako, syempre mas lamang ka kay Troy, kuya." Ayun naman pala!
"Hah! Alam ko! (^O^)" alam ko naman talaga eh! Magaling lang mag english yun pero mas lamang ako dun no! Bwahaaha!
"Eh kung hindi ka ba naman kasi engot kuya, may gusto ka pala kay Dia eh, edi sana dati mo pa siya niligawan nung may gusto pa siya sayo!" Sumbat sakin ni Leigh.
"Oo na nga! Eh malay ko ba na gusto ko pala siya! Ikaw kasi sinama sama mo pa ko sa Hong Kong!" Eh kasi eh naman eh! Ewan ko ba! Bakit parang nagandahan ako bigla sa kanya nung magkasama kami sa HK. Ah ewan! Dati naman, hindi ako na-aattrack sa kanya kasi ang simple lang niya, tapos hindi ko nga nakikitang nagsusuklay yun dati eh.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?