Chapter 33. FriDATE and.....

1.3K 15 6
                                    

Chapter 33. FriDATE and......

Dia's POV

"Troy, saan ba tayo pupunta? Dun nalang tayo sa mall."

"Let's leave them alone."

"Ah hahaha. Joke lang. Sabi ko nga, wag na tayo sa mall. Eh saan ba tayo pupunta?"

Eh. Ano ba yan. Gusto ko pa din sa mall. Gusto ko sana istalk sila ate. Parang may something na kase sa kanila. Tapos may tawagan pa sila? Amfness I smell something fishy. Naman oh, KJ masyado si Troy! Saan ba kase ako dadalhin nitong gwapong lalaking ito. And take note, hindi lang pala gwapo, sobrang gwapo sa suot niyang light blue V-neck shirt at black blazer. Medyo makintab yung pisngi niya ngayon.

"Troy, bat ang kintab ng pisngi mo?" Hindi ko napigilang magtanong.

"I had a facial treatment earlier."

"Ah." Medyo pumuti din ulit yung mukha niya. Medyo naging tan kasi siya nung nagfufootball kami sa PE. Oh by the way, Digital Film Making nga pala ang course ni Troy. Pareho sila ni Kace na nasa Arts Department.

"Troy, bakit ka nga pala sumali sa football team ng school?" Dami kong tanong. Eh kasi naman bored na ako dito. Wala manlang music habang nagbabyahe? Amp.

"Dahil sayo." Sagot niya habang diretso lang ang tingin sa daan. WHAT?! Dahil kanino? Sakin? Anong kinalaman ko sa football team? Yung swimming team nga pala. Argh malapit na yung sports fest sa school. Oo member ako ng swimming team. Kahit papano naman, productive din ako. (^O^) okay balik na ulit kay Troy.

"Huh?" Di ko kasi gets kung bakit dahil sakin.

"I badly missed you and that's the only way. Pero hindi mo ko pinansin," Asdfghjk. Eh malay ko ba kasi. Okay. Speechless na ako.

Sa wakas tumigil na din yung sasakyan at nagpark. Halos isang oras din kaming bumyahe. Hindi ko alam kung asan na kami, pero may natatanaw akong dagat tapos madaming lights na galing sa mga yachts sa dagat. woah! gusto ko din makasakay dun. Diba pwede irent yun? Haha baka mahal. Baka? mahal yan syempre! Pero mayaman naman si Troy diba? Pero dinner lang naman ang punta namin dito. Tsk. Naku. Sa 18 years ko dito sa mundo, ngayon lang ako nakapunta dito.

Pagkababa ko ng kotse, humawak ako sa braso ni Troy at sinabayan siyang maglakad.

Lakad mode lang kami ngayon sa seaside. Andaming couples na nagdedate. Hindi ko namalayan, kinuha ni Troy yung kamay ko na nakahawak sa braso niya at inilipat sa kamay niya. "Much better," sabi niya habang ini-intertwine ang kamay naming dalawa. Ooomp! Napasmile nalang ako sa kanya. Ay hala? Bumilis yung heartbeat ko? Feeling first time nakipagholdinghands? Ajuju

Madaming restaurants by the bay, may mga floating restaurants din, parang yung sa Hong Kong lang. At mukhang hindi pa nakakapili ng restaurant si Troy dahil andami na naming nilagpasan. Mukhang masarap naman lahat ng kainan dito. Nadaanan namin yung mga nagtitinda ng streetfoods.Gusto ko bumili ng isaw! Gutom na gutom na kaya ako, kanina pa may tsunami sa loob ng tyan ko.

(ゝ。∂)

"Why?" Tanong ni Troy. Napalingon kasi ako sa mga nagbabarbecue.

"Bili tayo nun!(^0^)" sabay turo ko sa isaw.

"Gutom ka na? Let's just walk faster." Hinila niya ang kamay ko at binilisan ang lakad. Syempre nakisabay nalang din ako. Huhuhu YUNG ISAW (T___T) GUSTO KO NG ISAW. (_ _)

"Wait lang. Dyan tayo kakain?" Napatigil ako bigla ng paakyat na kami sa entrance ng isang cruise ship na nakatigil lang sa may seaside. OMG. Seriously? May mga papasok na tao sa loob ng cruise ship. Mukhang mga mayayaman.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon