Chapter 64. Smiles
Kim's POV
"Dyan ka na nga! Late na pala ko!" Sabi niya tapos bigla na lang siyang naglakad ng mabilis palayo sakin. Buti naman narealize niya na isa siyang malaking istorbo bukod sa gaya-gaya siya ng pangalan!
Tinitigan ko yung cellphone ko... I-oon ko na ba?
Natatakot kase ako na tumawag si Shiro tapos sabihin niya na... "Sorry hindi ko sinasadyang lokohin ka..." WAAAAAAH HINDI KO KAYA! Kaya pagkatapos kong magpapicture sa kanila nung isang araw, inoff ko na agad yung cellphone ko para hindi niya ko macontact. Hindi pa ako ready maging broken hearted.
Pero baka naman it's time to face the truth and nothing but the truth. Huhuhu Nakakainis! Kahit anong gawin kong pagdadrama, wala namang tumutulong luha sa mga mata ko. Ang sikip tuloy sa dibdib.
So joke lang yung sinabi niya sakin nung nasa perya kami? Na swerte siya sakin? Tapos mas lalo tuloy siyang nainlove? WAAAAH NAPAKABOLERO! BINABAWI KO NA YUNG KILIG KO NUNG MGA ORAS NA YUN!
Teka nga... May bigla akong naalala. Yung mga bata! Yung mga bata na pinangakuan namin na dadalhan namin ng pagkain! Hala nakakaawa naman, baka nag-antay sila dun. Kaasar kase tong si Shiro eh! Tsh! Ganyan naman silang mga sikat, puro paasa! Puro salita, tapos hindi naman tinutupad. Akala ko pa naman iba siya.
*
6pm, uwian na namin. Tinext ko si papa na wag na akong daanan sa school. Nagtricycle ako papunta sa may park kung saan yung peryahan. Dala-dala ko yung isang plastic ng siopao na binili ko sa canteen namin.
"Bayad po oh. Salamat!" Bumaba na ko ng tricycle. Dito ako bumaba sa mismong harap ng bench kung saan namin sila pinakain dati. Kaso may nakaupong nagdedate. Asan kaya sila?
Naglakad-lakad ako... Nadaanan ko yung lugawan...
Haaaa (O__O) *lakad paatras*
"Kim!" WAAAAAH?! Nandito din siya huhu. Dali-dali akong tumalikod at naglakad. Kim? Kim na lang yung tawag niya sakin? Sabi na nga ba break na talaga kami eh! Waaaaaah! Kunwari wala akong narinig! Tumalikod ako sa kanila.
"Hi ate!" Boses ng batang babae, di ko maalala kung kanino. Di ko na nga din matandaan yung mga pangalan nila. "Namiss ka namin!" Boses ulit ng batang babae. "Sayang wala ka kahapon." -sabay sabay nilang sabi. Hindi ko napigilang humarap ng konti sa kanila. Nakaupo silang lima sa lugawan kasama si Shiro my...ex?! WAAAH HINDI MAAARI!
_| ̄|○
No choice na kaya nagsmile na lang ako sa kanila... ng napaka-awkward. Iniwasan ko ng tingin si ex...este si Shiro. (`_´)ゞ
Nanikip bigla yung dibdib ko. Ang sakit din pala. Ayoko na. My heart is not yet ready to be broken. Baka bigla akong malagutan ng hininga dito. Anong gagawin koooooo?! Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Nagkatitigan kami...
"Kim... Im sorry..." Waaaah ito na nga bang sinasabi ko eh!!! Hindi ako ready na makipagbreak! Kaya hindi ko siya pinatapos magsalita at lumapit na ako sa mga bata.
"AH! Wait lang!!! Ano, may dala akong siopao oh!(^__^)" binigay ko isa-isa yung siopao. "Naku sorry talaga, kase kelangan ko na agad umalis kase baka pagalitan na ko ng papa ko tapos madami pa kong gagawin sa bahay eh. Balik na lang ulit ako bukas! Dadalhan ko kayo ng cake!" Hiningal ako sa bilis ng pagkakasabi ko.
"Sige po ate! Thank you po!" Sagot naman nila sabay sinimulan na nilang kainin yung siopao kasabay ng lugaw. Si ex siguro yung bumili ng lugaw nila. Tss
"Sige! Bye!" Hindi ko alam kung pa'no ako tatalikod para umalis. Pumunta kasi si Shiro sa likod ko. Ramdam ko pa na nandyan lang siya. Buti pa ako, nararamdaman ko kung nasan siya. Pero kung siya, hindi niya manlang naramdaman na nandun ako sa mall nung mga oras na yun.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?