(A/N: paclick po nung video sa gilid. Random photos of Dia and Troy. <3)
.
Chapter 30. Bitterness overload
Kim's POV
"Pero ma, feeling ko talaga nakabuntis siya." Ayaw kasi maniwala ni mama sa mga conclusions ko, boto pa din yata kay Troy. Kabadtrip.
"Naku Kim, tigilan mo na nga yan. Kitang nasasaktan na nga si Dia oh."
"Hindi ah! Wala na kong paki dun no!" Hindi daw pero nagwalk-out na at umakyat sa kwarto. Ang sakit siguro. Kawawa naman yung kapatid ko. Tsk. May pa-bitter effect lagi.
*
"Samahan mo ko ate."
"Huh? Saan?" Nakabihis bigla itong si Dia habang pababa ng hagdan. Magsisimba ba kami? Eh nagsimba na pala kami kanina. Sunday kasi ngayon.
"Ibabalik ko si Kaze kay--- Sa kanya!" Ayaw kasi ni Dia banggitin yung pangalan ni Troy. Psh bitter na talaga kung bitter ang drama.
"Naku wag! Kung gusto mo ako nalang mag-aalaga kay Kaze." Eh bat kase pati yung aso idadamay pa!
"Hindi pwede! Tara na kase!" Ayaw talaga paawat. Kawawang Kaze. Wala na tuloy cute sa bahay (-__-)
.
.
Nasa harap na kami ng bahay ni Troy ngayon. Nagtaxi lang kami, wala kasing driver, wala sa bahay si kuya. So, ito pala ang bahay nila. Tss. Sarap sunugin!
"Anong balak mo? Magdoorbell na kasi----" akmang pipindutin ko na yung doorbell.
"W--waaag! wait lang kase ate!" At ayan pinigilan naman ako nitong kapatid ko. Nakatayo lang kami sa labas ng bahay nila Troy. Si Kace naman nakahilata na sa damuhan at natutulog. Kawawa naman, ibabalik na siya ng mommy niya sa daddy niya. Aww (~_~)
Biglang may tumunog at bumukas nalang bigla yung gate ng bahay...
"Why are you here?" Tanong ng lalaking lumabas sa gate. At oo, si Troy yun.
Parang nagulat si Dia kay Troy. Kahit ako nagulat din. Ang cold kasi ng tono ng pananalita nito. Hindi na ba talaga niya mahal ang kapatid ko? O baka hindi naman talaga niya minahal? pero imposible! Pa'no ba kasi sila nagbreak? Ayaw naman magkwento nitong si Dia.
"Ehh kasi---" mahina ang boses ni Dia. Baka style niya lang yan tapos bigla niyang sasampalin si Troy. Wuho Go sissy! Tahimik lang ako no, moment nila yan eh. Pero shit papalapit sa amin yung babaeng kasama ni Troy sa mall. At bakit naman nandito siya?!
"Babe! I wanna eat lasagna! Oh... We have visitors pala." ANO DAW? BABE? At pinulupot pa niya ang kamay sa braso ni Troy. So siya nga talaga ang dahilan kung bakit nag break ang dalawa.
OHMYGOD DIA! Wag kang iiyak! Teary-eyed na kasi yung kapatid ko. Lalapitan ko na sana siya nang biglang ---- amfufu tumakbo. Iniwan ako? Pa'no ako dito ngayon? Shiro I think I need your help m(_ _)m. Binuhat ko si Kaze na natutulog pa sa damuhan, ambigat na niya.
"GUSTO LANG NAMAN NAMIN IBALIK SAYO SI KAZE! AYAN SAKSAK MO SA BAGA MO! ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Inabot ko si Kaze kay Troy at nagwalk out na. Ang bongga. Nasabi ko yun sa kanya. Pero hindi ko siya nasampal! Sayang! Pati yung babae, dapat sinampal ko sila!
Eh teka... Asan na ba si Dia!
Naku naku! At dahil naiwan na rin naman ako dito. Lulubusin ko na!
Naglakad ako pabalik sa bahay nila Troy at nagdoorbell ulit dahil nakasara na yung gate.
.
.
Dia's POV
.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?