Chapter 42. Shocked

1K 15 4
                                    

(A/N: at ako ay naiiyak na dahil after 100000000 trillion years, nakapag UD na rin sa wakas. T____T salamat sa mga nagbabasa pa din nito kahit sobrang tagal ko nang hindi nag UUD. Sobrang busy lang po kase talaga. Pero promise, magiging active na ko ulit. ^^)

Chapter 42. Shocked.

DIA'S POV

"Because..." Sabi ni Troy tapos parang nag-isip siya ng idudugtong. Shet naman Troy!!! Tae! Kainis naman eh! Papagalitan ako ni ate.

"I missed my babygirl." tumayo siya tapos lumapit sa'kin.

"Asus! Alam ba nila mama na nandito ka?" Tanong ni ate kay Troy sabay tayo tapos nakahawak pa sa bewang.

"Syempre hindi! Ate talaga! Labas ka na nga!" sagot ko. Ako na yung sumagot. Eh kasi naman eh! Baka mahuli pa kami nito. Ang lakas pa naman ng boses nitong si ate.

"Alam mo na ba na nanjan si lola?" Tanong ni ate sabay harap sakin.

"Oo naman! Kanina pa! Dali na labas na ate." Tinulak-tulak ko siya palabas.

"Bakit ba pinipilit mo 'kong lumabas? May balak kayong gawin no?!" Sabi ni ate. Ang lakas talaga ng boses. Shet.

"Oy wala ah!!!" Sagot ko. Grabe naman makapag-isip 'tong si ate.

"Wala ba?" sabi bigla ni Troy. Napalingon tuloy kami ni ate sa kanya. Tsk! Baliw ka Troy!

"HOY TROY! WAG NA WAG KANG MAGKAKAMALING ITULOY KUNG ANO MAN YANG BINABALAK MONG GAWIN SA KAPATID KO! ISUSUMBONG TALAGA KITA KAY PAPA!"

"Oo na ate! Wag ka nga maniwala dyan kay Troy. Dali na labas na! Baka marinig pa tayo nila papa." Sabi ko.

"OO NA!HOY TROY! UMUWI KA NA NGA!" Sabi ni ate ng sobrang lakas. Kainis! Nahawa ata siya kay lola eh. Ang lakas din kase ng boses ni lola. Tumalikod na si ate sabay labas ng pinto. Haaaay (_ _)

*Bigla na lang may pumihit ng pinto*

"Wala lang. Chinicheck ko lang baka kung ano nang pinaggagawa niyo." Si ate nanaman pala. Ugh ang kulit talaga.

"Ang kulit naman ate eh! Wala naman eh!!!"

"Oy ha!!!" Sabi niya tapos sinara na niya ulit yung pinto. Tss.

"Hahaha!"

"Tawa ka pa dyan!" Sabi ko. Tawa-tawa pa kasi tong Troy na to!

"Baby..." Lumapit siya sakin tapos ano.... Ano ba! Hinawakan niya yung kamay ko.

"Baby, please?" Ayan nanaman!!!

"Ewan ko sayo! Ang kulit mo!" Sabi ko tapos bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya.

"Why?" Tanong niya tapos pinatong niya yung baba niya sa balikat ko. Anong why? Baliw tong Troy na to!

"Hindi nga pwede. Troy naman eh!!!" Sabi ko. Naiinis na ko.

"Bakit?" Tanong niya.

Naman! Ang kulit!!!

"Im staying." Sabi niya tapos humiga na siya sa kama ko. Bakit ba ang kulit niya ngayon?

"Eeeeh! Troy! Uwi ka na, please?" Sabi ko habang tinatapik siya sa braso.

"NO." Matipid niyang sagot sabay pikit. Hala? Ang kulit -___-

OKAY. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hahayaan ko na lang ba siya? Bat ba kase kelangan niya pa pumunta dito eh! Oo namimiss ko siya pero ang hirap kase pag ganitong bigla bigla na lang siyang susulpot. Tsaka ewan ko din kung bakit asar na asar ako sa kanya ngayon. Eh kasi ganito...

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon