(Revised)
Chapter 6. BrownoutDia's POV
"Yiiiiiiih!!!" Sabay-sabay na sabi ni mama, ate, at kuya nang makapasok na kami sa loob ng bahay, nakaupo silang tatlo sa sofa. Natigilan tuloy kami ni Troy.
Tinitigan ko sila ng masama.
"Ang cute niyo!" Sabi ni ate. Cute daw, tss. Baka si Troy, cute. Mukha kasi siyang ano...puppy. Basang puppy! Basa kasi yung buhok niyang color brown tapos basa din ng konti yung damit niya. Nakalightblue siya na polo ngayon tapos jeans. In fairness, ang cool niyang tingnan.
Tumayo si kuya tapos lumapit siya sa'min. "Sup bro? David nga pala." Nakipagshakehands siya kay Troy.
"Troy," sabi naman nitong isa.
Tiningnan siya ng masama ni kuya pero chill lang siya at nakangiti. Magkasing tangkad lang sila, medyo pareho lang din sila ng pangangatawan.
"Excuse me lang mga anak ha, ipeprepare lang namin ni Silvia yung lamesa for dinner." Sabi ni mama sabay tayo at lakad papunta sa kusina. Mapang-asar yung mga ngiti at tingin ni mama sa'kin. Ano kayang iniisip niya?
Parang tanga kaming dalawa na nakatayo malapit sa pinto. ''Cos you're my girlfriend' daw? Hanggang ngayon, girlfriend niya pa din ako? What the?
Tiningnan ko siya, "Ano bang trip mo?" Kunot-noo kong tanong. Hala mukha siyang basang sisiw. Hahaha
Nagshrug lang siya tapos umiwas ng tingin. Parang ewan 'tong si Troy.
"Dinner's ready!" Sigaw ni mama galing sa kusina. Naamoy ko na yung chicken curry. Parang nagbake din sila ng brownies kanina.
*
Umupo na kami sa dining table. Pa-oval yung table namin. Si kuya yung nakaupo sa kabisera, nasa left side niya ako tapos katabi ko naman si Troy sa kabila, tapos kaharap namin si mama at ate.
Pagkatapos namin magdasal, nagsimula na kaming kumain.
"Troy, wag ka mahiya, feel at home." Sabi ni mama. Feel at home na feel at home naman yung isa.
"Basa pala yung buhok ni Troy. Dia, punasan mo nga oh." Sabay abot ni ate ng puting face towel sa'kin. ATE! Tinitigan ko lang siya. "Dali na oh!" Sabi pa niya tapos mas nilapit niya yung towel sa'kin.
"Okay, fine, whatever. I'm such a loser." Kinuha ko yung towel tapos syempre pinunas ko sa ulo ni Troy. May magagawa pa ba ako?! Bakit kasi lahat sila concern sa taong 'to?
Tumaas yung gilid ng bibig niya habang pinupunasan ko yung ulo niya. Tch! "Thanks, baby." Sabi niya. Maka-baby naman!
"Troy, taga saan ka nga pala?" Tanong bigla ni mama.
Napatingin ako sa mga plato nila, ang dami pang laman. Jusko, mukhang mahaba-habang kwentuhan pa 'to.
"Dyan lang po sa kabilang village, 15 minutes away from here." Sabi niya.
"San ka nag-aaral?" Tanong naman ni kuya. My God! Ano 'to? Interview?
"Kuya, FYI, hindi siya nag-aaral. Kakagaling lang niya sa Korea. Duh?" Sagot naman ni ate. Bakit kasi hindi na lang muna hintaying umuwi si Troy tapos si ate na lang yung tanungin nila 'di ba.
"So graduate ka na?" Tanong pa ni kuya.
"Nope. Mag-eenroll pa lang ako sa college this school year." Pacool na sagot niya. What? Magcocollege pa lang siya? Ilang taon na ba siya? Matanong nga si ate mamaya.
"I see. Sa Princeton ka na mag-aral para hindi ka mamiss ng kapatid ko." Nakangising sabi ni kuya. Echosero lang? Kailan pa siya naging endorser ng school namin?
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?