Chapter 29. BFF

1.1K 20 3
                                    

Chapter 29. BFF

Kim's POV

"Hindi ko akalaing magbibreak sila."

"Nagulat nga din ako eh."

"Talaga?" Nagtataka kong tanong. Eh kasi diba magkaibigan sila? Kaya dapat hindi na siya magulat kung gawin man ni Troy yun sa kapatid ko.

"Oo. Diba sabi ko sayo dati, dyan mag-aaral si Troy sa school niyo dahil sa kapatid mo. Tapos malaman laman ko sayo na break na sila."

Kasama ko ngayon si Shiro sa GongCha. Libre ko siya. Talo nanaman kasi ako kanina nung nag arcades kami. Tsk. Ang hilig niya sa Milk tea, lagi nalang milk tea ang binibili kapag magkasama kami. Oo, lagi na kaming magkasama.\(^o^)/ Pero naiinis pa din ako kasi naman...

*****

FLASHBACK

Magkikita kami ngayon ni Shiro loveydoves. Sisingilin niya daw ako tungkol dun sa pagkatalo ko sa arcades, 2 weeks na ang nakalipas. Baka magpapalibre lang naman. Sana sa sinehan nalang siya magpalibre para medyo madilim. Oy wait lang!!! Gusto ko ng madilim hindi para mananching ha! Gusto ko madilim para hindi niya ako masyadong makitang kinikilig.

"Ay ano ba!!!" May bigla kasing nagtakip sa mata ko habang nakaupo ako sa labas ng starbucks. Dito kase ang meeting place namin ni Baby Shiro. Pero parang familiar yung amoy ng kamay.

"Hahaha! Peace! Kanina ka pa ba? Sorry, andami kasing diniscuss ng manager namin." Tinanggal na niya ang kamay niya sa mata ko. Sabi na nga ba eh! Amoy niya yun eh. Parang biglang nagsparkle ang mata ko (*^*)

"Uy Shi-Shiro. Um hindi naman, kakarating ko lang." Ay weh? Talaga, Kim? Kakarating mo lang? Eh nilulumot ka na nga kase mag iisang oras ka nang nag-aantay dyan. Nakadalawang Chocolate Chip frappe ka na nga oh. (-__-)

"Good. Tara?" Tara? Saan kami pupunta?

"Tada!" sinuot nanaman niya yung spiderman na maskara. (~_~)

"You owe me a movie!" Okay mukhang nadinig ang panalangin ko.

*

At ito na nga, nasa loob na naman kami ng sinehan. Tulad ng kinain namin dati, milk tea nanaman at popcorn, pero this time dark chocolate popcorn with almonds naman. Sarap!

Hindi ko naman masyadong ma-enjoy tong movie kase di ko naman kilala yung bida, pero syempre okay lang kase na-eenjoy ko naman yung katabi ko. Mwahaha

"Wala ka bang boyfriend?" Biglang tumigil ang mundo ko sa tanong niya... Ouch ha. Akala ko ba kami na? Wahahaha! Echosera. syempre joke lang.

"Ha? Wala eh." Naku kung malakas lang talaga ang loob ko, liligawan ko na talaga tong si Shiro. Lels

"Great!" Ano daw?

G-R-E-A-T? As in...GREAT? Oh my liligawan na ba niya ako! Shet sinasagot na kita Shiro baby! *\(^o^)/*

"Simula ngayon, magbestfriends na tayo." WHAT? BESTFRIENDS? LANG? Ayan kasi masyadong assuming.

"Ah hehe sure ka? Bakit naman?" Medyo disappointed pa yung tono ko. Anong magagawa ko, eh sa nadisappoint naman talaga ako.

"Ayaw mo? Wala kang magagawa. Yun ang bayad mo sa pagkatalo sakin. (^_^)" Eh? Akala ko yung movie na? Lecheness naman oh. Bakit bestfriend pa? Girlfriend nalang kasi. (T_T)

"Haha gusto ko syempre haha." Sarcastic kong sagot. Sino ba naman may gustong maging bestfriend siya, diba? Hello!? Boyfriend! Boyfriend ang gusto ng lahat!

Palabas na kami ng sinehan nang biglang makaramdam ako ng kakaibang feeling. OHMYGOD. Call of nature. Amp! Bakit ngayon pa! Ang sakit ng tyan ko. Kaya ko pang tiisin to kapag umuwi na ko ng bahay ngayon, pero sayang naman si Shiro! Minsan na nga lang magkachance eh.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon