Chapter 65. Skeptical Vday

772 16 1
                                    

Chapter 65. Skeptical VDay

Dia's POV

A week after namin magKorea, naging busy na si Troy kakapractice para sa grand finals nila sa football. Tapos yung agency ng band nila kuya Shiro, may pinadalang letter sa kanya na kung gusto daw ba niya maging official member na ng band. Madami daw kasing nagrerequest na fans. Pero sabi naman niya, pag-iisipan pa daw niya kase hindi niya pwedeng pagsabayin yun at yung varsity dahil baka hindi na siya makapag-aral. Pa'no na lang yung future namin, diba? 

Alam na kaya ni Kace na hindi niya talaga ako girlfriend? Bumalik na nga kaya yung memory niya? Hindi kasi siya nagpaparamdam sakin. Pero baka naman busy lang siya. O baka nahalata niya na iniiwasan ko siya? Hindi ko na kasi siya pinapayagang sunduin ako sa bahay. Pero hindi naman dahil sa iniiwasan ko siya, kundi dahil ayoko lang na nagsasacrifice siyang gumising ng maaga kahit na mas late yung pasok niya kesa sakin. 

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Sabi bigla ni papa habang nagmamaneho.  "Iniisip mo siguro kung sinong unang magbibigay ng flowers sayo ngayong araw no?" Dagdag niya.

"Grabe. Hindi no." Sagot ko.

"Sinasabi ko sayo, hindi mo na kelangan mag-isip kung sinong unang magbibigay sayo kasi nasa gilid mo lang siya." Sabay may kinuha siya sa backseat. "Ayan. Happy Valentine's day!" Binigay niya sakin yung tatlong piraso ng pink roses na nakatali pa ng pink din na ribbon.

"Naks!!! Happy Valentine's din pa!" Inamoy-amoy ko yung roses. Ano ba yan! Wala namang amoy!

"Kamusta na kayo ni Kace?" Tanong ni papa. Alam na niya na akala ni Kace, girlfriend niya ko. Lagi kasi silang nag-uusap. Ayun...

"Ewan." Sagot ko. Di ko alam kung anong isasagot ko eh. Tsaka ayoko pag-usapan yung tungkol samin. Lalo pa kung si papa yung kausap. Awkward.

"Okay lang kung gusto mo na sabihin sa kanya yung totoo. Medyo nakakarecover na din naman siya kaya hindi magtatagal, malalaman din naman niya. Pero ikaw, kung ano sa tingin mo yung mas ikabubuti." Sabi ni papa. Ano? Hindi ko siya magets!

"Hindi ko nga po alam eh." Sabi ko.

"Yan na nga ba yung sinasabi ko, masyado ka pa kasing bata. Hindi mo pa alam kung pa'no magdecide para sa mga komplikadong bagay."

"Pa, matanda na kaya ako." Malapit na ko mag-19 eh!

"Pero isip-bata." Sabi niya. grabe ang sakit naman magsalita ni papa. Pero totoo ba?

Hindi na ko nakasagot hanggang sa nakarating kami sa school.

"Thank you, pa! Thank you dito sa roses!" Kiniss ko si papa sa cheek tapos bumaba na ko.

^^

Flowers here. Flowers there. Flowers everywhere. Bakit ang daming flowers, balloons, at petals na nakakalat sa daan? 

Oo alam ko, Valentine's day ngayon pero bakit ang weird? Ngayon lang yata nagcelebrate ng Valentine's day yung school namin at may mga flowers, petals at balloons pang nalalaman sa daan. Sakto pa talaga sa dinadaanan ko. Pero iniwasan kong maapakan yung petals kasi sayang naman.

Umakyat na ko sa building kung nasaan yung room namin. May mga petals pa din. Lahat ba ng buildings may ganito?

"OMG!" Sabi ng classmate kong babae na nakasalubong ko sa hallway.

"Ang swerte niya no?" Sabi pa ng kasama niya na classmate ko din.

Nagtinginan lahat ng classmates ko habang papasok ako ng room... Nagkukumpulan silang lahat sa isang side.

Kumunot yung noo ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.

Teka...

May nakaupong lalaki sa upuan ko. Lumapit ako...

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon