Chapter 13. Ate Kim and Shiro

1.6K 28 6
                                    

Chapter 13. Ate kim and Shiro

Dia's POV

Magkakaharap lang kami ngayon sa oval na table... Walang nagsasalita... Ang awkward naman kasi eh -_- wala pang nagsisimulang kumain kasi hinihintay namin si ate at Shiro...

"Uhm, alam niyo napapanood ko kayo sa tv lagi! Yung sa music station.hehehe. Ang galing niyo nga eh, number 1 yung kanta niyo." Ang epal kong kuya, binasag din ang katahimikan sa wakas...

May narinig kaming yabag ng paa papunta sa dining area... Si Shiro.... Hindi niya kasamang bumaba si ate? So, hindi talaga bababa si ate-_-

"Ayaw eh." Sabi ni Shiro sabay upo...

"Hayaan mo na. Baka nahiya lang yun. Sige, kain na tayo." Sabi naman ni mama.

Uma-arte pa itong si ate... Sige magutom ka dyan ate... Arte arte pa. Si Shiro na nga ang tumawag sa kanya eh.... Haay Ano ba yan! Hindi ako makakain ng maayos, masarap pa naman yung ulam... bakit kasi kailangan katabi ko ang panget na to! Hmp!

"Diet ka babygirl?" Tanong niya... Kailangan ba lagi niya akong tatawaging babygirl pag kinakausap? Nakakawalang gana tuloy kumain -_-

"Hindi ah" tinaasan ko siya ng kilay. Eh kung umalis na siya dyan para makakain ako ng maayos diba.

"Eh bakit ang konti ng laman ng plate mo?" Pakialam ba kasi niya... -__- nakikikain na nga lang tapos nakikialam pa. Ugghh...

"Oo na. Diet nga kasi ako" Sagot ko... Huh? Ang labo ko ba? Eeeehhh. Bakit ba kasi kami nag-uusap ng ganito. Ang awkward naman eh T__T. Kaharap pa namin yung mga kaibigan niya.

"Oh I see. Kailangan mo na nga yata magdiet babygirl... Ang bigat mo eh." Eeeerr!! Anong sabi mo! 0_0 mabigat ako??? Waaaahh oo nga pala! Binuhat niya ako noon >_< hwaaah nakakahiya. Ano na lang ang iisipin nila mama at kuya? pati ng mga kaibigan niya? arggghh Shut up na kasi Troy!!!! Tiningnan ko siya ng masama. /=_=/

"Aw. Sorry babygirl. Pero okay lang naman sakin kahit mabigat ka, sexy ka pa din naman." Leche naman Troy eh! Itape ko yang bibig mo eh! >__<

Natapos din kaming kumain... Tinawag ni mama si Troy. May sasabihin daw? Ano nanaman kaya yun?

Si kuya umakyat na sa kwarto niya... May tumawag kasi sa kanya... Naiwan tuloy akong kasama ang mga kaibigan ni Troy... Hindi ko naman sila pwedeng iwan, baka sabihin ang rude ko naman.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon