Chapter 51. Disintegrated euphoria
Dia's POV
Papunta kami ngayon sa beauty salon...
Alam niyo kung bakit? Haaay... Eh manonood lang naman kami ng concert ng Sweet Lies. Sabi ni ate, manonood din daw si Troy sabi ni kuya Shiro... Ugh :( hindi naman siya galit sa'kin di ba? Basta niya na lang kasing binigay sakin yung flowers kahapon tapos umalis na siya. Hindi ko naman alam na bumili pala siya ng flowers. Tsaka hindi ko naman akalain na yayakapin ako ni Dwight tapos bakit kasi kailangan niya pang makita >_< nasa ospital pa din nga pala si Dwight ngayon. Baka daw mga 3 days pa siya dun. Aish naalala ko nanaman yung sinabi ni Dwight kay Troy. Bakit naman ganun? Naku erase erase!!! Ako naman, kagabi pa nakalabas kasi wala namang nabali sa buto ko nung nakuha yung result ng xray.
Dumating na kami sa beauty salon...
"Gusto ko i-curl niyo yung hair nilang dalawa tapos light make-up lang, okay? Tapos ako din, kulayan mo ng light brown tapos i-curl mo yung dulo tapos ikaw na bahala sa make-up, basta gandahan mo. Okay?" Tumango-tango yung dalawang bading habang nakikinig sa utos ni lola. Oo, kasama si lola sa concert, binenta kasi ni ate yung ticket niya kay lola kasi daw pinadalhan siya ng dalawang tickets ni kuya Shiro para daw saming dalawa... at oo, si lola ang may pakana ng pagpapaparlor namin ngayon. ~_~
"Eh 'di ba madilim dun? Ba't kailangan pa natin magpaganda? Edi hindi rin makikita?" Sabi ko kay ate. Tapos kanina, si lola din yung pumili ng isusuot namin. Aish! Nakadress ba naman kami pareho ni ate >_< si ate, nakalight yellow na dress tapos ako naman, naka-green na sleeveless dress na may lace lace pa. Eek ano to? Magsisimba ba kami? At eto pa! Si lola, nakawhite Tshirt lang at jeans tsaka sneakers, tapos may nakaprint sa tshirt niya na "SWEETENED". Eh yun kasi ata yung Fandom name ng Sweet Lies. tsk tsk bagets lang? Hahaha ilang taon na nga tong si lola? 72 na ata.
"Hayaan mo na nga kasi. Para maganda ako pag nakita ako ni Shiro mylovesosweet! Ahihi!" Sagot ni ate. Hay! Oo nga pala! Sila na nga pala kaya dapat laging maganda si ate pag kaharap niya si kuya Shiro. Hoho kung hindi, baka iwan siya at maghanap ng iba! Eh madami pa namang nagkakagusto dun. Wakeke!
******
After 1 hr...
"PAKIBILISAN NAMAN, MANONG! EXCITED NA KO EH!" Utos ni lola sa taxi driver. Excited daw siya? Ay hindi naman masyadong halata. Eh ang aga pa kaya. Alas singko pa lang ng hapon tapos 7 pa magsisimula yung concert. (_ _)
After 20 minutes...
Nakarating na kami dito sa arena kung saan gaganapin yung concert. Holo andami nang tao. Parang dati din nung nanood kami ni ate, sobrang dami na agad tao kahit maaga pa.
Nagpapapasok na daw pala sa loob kaya pumasok na din kami.
Hala andami nang tao sa loob.
Haaay boring >___< bakit kasi ang aga namin? Tapos ang aga din ng iba. Ang iingay pa nila. Nagpapractice pa ata ng mga fanchats para mamaya. Naku! Maka-idlip nga muna. Nakakaantok kasi ang laamig kahit medyo maingay. Pero wala akong paki sa ingay!
(_ _)zzzZZZZ
Nagising na ko tapos pagkatingin ko sa relo, 6:30 na... 30 minutes na lang. Buti naman! Tumingin ako sa likuran ko... Waaah? Punong-puno na yung loob ng arena. Tapos andaming may hawak na banner at light stick na color blue green. Napalingon ako kay lola at ate. What the? Sila din pala, may hawak na banner at light stick. Yun pala yung laman ng paperbag na dala ni ate. -___-
"Si Troy ba yun?" Sabi ni ate. Hala si Troy nga! Pero bakit ang daming nagpapapicture sa kanya? Baka naman artista pala yun na kamukha ni Troy? Nakasuot siya ng parang acid wash na long sleeve polo shirt tapos nasa ilalim siya ng stage habang may mga nagpapapicture sa kanya. Ugh. Yung sa may first row ng VIP seats. Nasa fourth row kasi kami.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?