Chapter 23.2 So, siya pala?

1.6K 19 1
                                    

Follow and tweet me on twitter: claiddecisive

Chapter 23.2 So, siya pala?

Kim's POV

"Tapos ayun nga... Grabe talaga. Hindi na kaya ako makahinga kanina.(=o=)" Kasalukuyan kong kinukwento kay Dia ang mga pangyayari kanina. Nandito kami ngayon sa dining room. Sabay kaming magdidinner... Wala kasi si Kuya, busy dahil malapit na ang graduation nila. Talino ni kuya! Ang alam ko magpoproceed siya sa Law. Walang kapagurang aral! Si mama naman, nasa kwarto na daw at masakit ang ulo tapos si papa nasa ospital pa.

" Hahaha! dream come true ba ateng? Eh saan naman galing yan?" Tanong ni Dia habang tinuturo ang panda na nakalagay sa katabi kong upuan.

"Eh diba nga nag arcades kami! Tapos ito yung nakuha namin nung pinapalit yung points. Kyaaaah! Grabe Dia! Tapos alam mo ba, ihahatid niya sana ako kaso may rehearsal pa daw sila. Ayun... Tas nung nasa loob na ko ng taxi, bigla niya kong tinawag para ano...waaaah! Para kunin yung number ko!!! Grabe lang!!! Wooooh!!!" Hindi ko pa rin nagagalaw ang pagkain sa plato ko...

"Wahahaha!!! Ikaw na ateng! Lumalovelife ka na! Kwento mo kay mama!!!" Sabi ni Dia na mukhang tuwang-tuwa.

"Ayoko nga! Mamaya ibuking nanaman ako nun!" Nagsimula na kong kumain sa wakas.

"Wahahaha! Oo nga no. Ehh ate! Uy ate, diba may mga ipapabili ka sakin sa Hong Kong? Amina yung pera, baka makalimutan mo pa(-ㅁ-)"

"Ay oo nga pala! Sa susunod na araw na yung alis niyo ni Leigh diba? Sige bukas bigay ko sayo. Pati yung mga pictures ng ipapabili ko sayo, send ko bukas sayo." Buti pa tong kapatid ko may mayamang bestfriend na manlilibre sa kanya sa HK disneyland. Tsk. Ano kaya kung mag-ipon ako tapos.... Yayain ko si Shiro labidabs ko. Waaaaah!!! Tigilan mo yang kalandian mo Kim!

Ang tagal naming nakaupo ni Dia kahit tapos na kaming kumain. Tsk. Ang dami naming pinagchismisan na kung anu-ano. Buti na lang talaga may babae akong kapatid. Hay grabe lang hindi ako makaget-over! Umakyat na ko sa kwarto ko...

"Kim??? yung cellphone mo oh, naiwan mo sa sala." Katok ni manang Silvia sa pinto. Tsk yung cellphone ko! Ohmygosssh baka nagtext na si Shiro mylabs. (*_*) agad kong kinuha ang cellphone ko.

Waaaaaaahuhuhu! Andaming missed calls (ㅠㅠ) siguradong si Shiro to. Huhuhu. Siguro naman tatawag siya ulit di'ba???

Nagshower muna ako, pero syempre kasama ko yung phone ko... Shiro! Tumawag ka ulit please!

Nahiga na ako sa kama ko... Tumawag ka na ulit huhuhu. Eh kung itext ko kaya? Amfufu. Ayoko! Masyado akong pa-obvious pag ganun!

Antay... Antay....

Antay... Antay....

Antay... Tumawag ka na huhuhu.

12 na pala. Ah basta! Hindi ako matutulog hangga't hindi siya tumatawag! Malay mo di'ba maisipan niyang tumawag ng alas tres (^ㅇ^)

Haaaay Shiro kong mahal! Tumawag ka na please! Kanina pa ko nag-aantay eh. 1:30 na oh. Magkape kaya ako? Kaso nakakatakot bumaba. Antok na antok na ko talaga, bumabagsak na yung mata ko! (-o-)

Antaaay lang... Be patient Kim!!!

Alas tres na pala... Wala pa din??? Huhuhu. Siguro nga hindi na tatawag to. Huhuhu. Ipinikit ko na ang mata ko... Pero parang hindi rin naman ako makatulog. ugh!

Biglang...waaaaaah! Nagvibrate yung cellphone ko!!! Ermeergeerd!

"Hello?" Masigla kong sagot.

Huh? Bakit wala namang nagsasalita?

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon