Chapter 28. What love does
Dia's POV
Bago pa man ako makaharap sa kanya ay nagsimula nang pumatak ang luha sa mata ko. Bakit ba bigla akong naging iyakin ngayon? Naiinis ako sa sarili ko.
Tinititigan lang ako ni Kace... Kung hindi ko alam ang gagawin ko, mas lalo naman siya. Sa itsura niya, parang mas nahihirapan pa siya sakin. Nasa harap na kami ng classroom ko ngayon. Sa totoo lang, gusto kong hingiin ang opinyon ni Kace, kung haharap ba ako kay Troy o hindi. Pero hindi naman niya alam ang buong kwento kaya mas mabuti pang wag nalang.
Gustuhin ko mang humarap, ayokong makita ni Troy na umiiyak ako. Ayokong isipin niya na iniiyakan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ko nagkakaganito? Ni hindi ko manlang hinintay si Troy na mag-explain. Pero hindi eh... Nang makita ko silang magkasama ng babaeng yun, parang may iba... Parang may iba na hindi ko mapaliwanag maging sa sarili ko.
Sa dami ng mga bagay sa isip ko, mas pinili ko pa din na pumasok sa room. At dahil wala pa namang prof, sinamahan ako ni Kace sa loob. Halatang nagblush ang iba kong kaklase. Buti pa sila nagagawa pang magblush, samantalang ako, namamaga ang mga mata sa kakaiyak kagabi.
"I'll go ahead. I'm just a call away when you need me." Pabulong na sabi ni Kace habang papalabas na ng room.
"OMG! Friend! Magkatext kayo? Penge naman ako ng number ni Kace bebe." Friend? Kelan pa? Tss. Itong si Ashley, lalapit lang kung may kailangan.
Hindi ko pinansin ang mga maeepal kong kaklase. Kitang nagluluksa na nga yung tao, kukulitin pa.
"Friendship! Sorry kahapon. Si mommy kasi eh. Sorry talaga... Ano? Kamusta ang sleepover mo sa bahay ni KA--- umppfffff" Buti nalang nagets ko kaagad kaya bago pa man ituloy ni Leigh ang sasabihin niya ay tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Wala nanaman siyang pakialam kung sino ang makakarinig. Buti sana kung, kung sinu-sino lang ang pinag-uusapan namin, pero hindi eh. Kilala nilang lahat si Kace. Kaya nga ayoko maging kaibigan yang si Kace kahit saksakan pa siya ng pogi at bait.
"Sorry. Pero kamusta? Tabi ba kayo? Yiiiiih" kinikilig na sabi ni Leigh habang tinatakpan ang bibig. Kailangan talaga kiligin siya sa ginawa niyang pag-iwan sakin sa ere kahapon? Tsk. Pero naiintindihan ko naman, sigurado akong dahil nanaman sa mommy niya.
*
Natapos ang isang araw na wala akong natutunan. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Hindi ko maitago sa sarili ko na hinihintay kong tumawag o magtext si Troy. Pero ni isang text, wala akong natatanggap. Ilang beses ko na rin in-on and off dahil baka hindi lang pumasok yung mga messages. Pero wala talaga.
Kung tutuusin, ako dapat ang hindi nagtitext at tumatawag sa kanya dahil sa nakita ko kahapon. Ako dapat ang nagtatampo ngayon. Pero bakit parang hindi nakikiayon sa akin ang mga pangyayari? Nakakainis.
.
Hindi ko manlang siya nakikita dito sa campus...
(−_−#)
Apat na araw nang hindi nagtitext at tumatawag si Troy...
Tinry ko siyang tawagan ng isang beses pero hindi niya sinasagot. Mababaliw na yata ako. Pilit ko siyang hinahanap sa school pero hindi ko siya makita.
.
Maaga akong pumasok ngayon, nagtaxi lang ako dahil tulog pa si kuya at nag out of the country nanaman si papa para icheck ang kalagayan ni lolo. Nakalimutan ko pa na first subject pala namin ang PE ngayon, at sa kabilang gate ako bumaba, ang haba tuloy ng lalakarin ko bago marating ang kabilang dulo ng field kung saan kami maglelesson. Sa field kami dahil football ang PE namin ngayon. Kung saan-saan kasi lumilipad ang isip ko, nakakabadtrip na talaga. Sinipa sipa ko yung bato habang naglalakad. Nangangalahati palang ako pero feeling ko, pagod na pagod na ako.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?