Chapter 69. Moving-on or hoping?
Kim's POV
Naramdaman ko na parang may yumuyugyog sa akin kaya nagising ako.
"Gumising ka muna! Tulungan mo ako!" Sabi ni mama. Tulungan saan? "Talian natin yung kapatid mo." WHAT? NAWALA YUNG ANTOK KO AT NANLAKI YUNG MGA MATA KO.
"Bakit? Anong nangyayari sa kanya? Nagwawala ba siya? Nababaliw na ba siya?" Nagpanic ako bigla. Nabaliw na ba siya dahil sa Troy na yon? Tae kasalanan ko pa yata. Pagkatapos kasi naming buksan yung pinto nung kinulong namin sila ni Troy, hindi na masyadong nagsasalita si Dia. Nagsasalita lang siya pag sasagot siya ng 'Oo', 'Hindi', 'Ayoko', 'Wala', mga ganun lang. O baka galit lang talaga siya sakin?
"Hindi naman." Sagot ni mama. Psh -_- akala ko naman.
"Eh bakit tatalian?"
"Kasi nga aalis na si Troy papuntang Korea! Kailangan nilang magkita at mag-usap!"
"Mother, nag-usap na sila." Pumikit ako ulit. Si mama talaga. Hindi kasi niya alam na kinulong namin yung dalawa.
"Kahit na! Halika na! Tulungan mo na ako!" Hinila niya yung kamay ko. Ang kulit din talaga ni mama minsan.
"Sige na, sige na! Pero bakit tatalian? Meron yatang Ketamine si papa dyan sa medicine cabinet, yung parang anesthesia, diba aantukin ka nun tas mawawalan ka ng malay."
"Ay oo tama! Dali kunin mo!" Sabi ni mama.Naguiguilty ako sa ginagawa namin ngayon. Alam ko kasi na wala namang nangyari dun sa pagkulong namin sa kanila. Kung may naayos man siguro sila, yun ay ang pagkasunduan na maghiwalay na sila. Tapos ngayon, pipilitin nanaman namin silang mag-usap? Aish. Ewan ko na lang, hindi din kasi ako makatanggi kay mama dahil baka ako pa ang sisihin niya sa huli. Pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Shiro na paano kung hindi naman talaga sila para sa isa't-isa at tulay lang sila para sa aming dalawa.
~0~
Dia's POV
Binuksan ni mama ng bahagya yung pinto ng kwarto ko. "Magbihis ka. Aalis tayo." Sabi niya.
"Saan po?" Nagtataka kong tanong habang inaayos yung kumot ko. Kakastart lang ng summer vacation namin. Saan naman kami pupunta? Hindi naman pwedeng sa mall kasi 7am pa lang.
"Ayaw mo ba siyang makita bago siya umalis?" Makita? Umalis? Sino? Kumunot lang yung noo ko. Tuluyan nang pumasok si mama sa loob at lumapit sakin. "Aalis na siya ngayon, aayusin na daw niya yung papers niya para sa military service sabi ni Hanna." Okay. gets ko na kung anong ibig sabihin ni mama. Nagkunwari ako na parang wala lang sakin, na parang alam ko pero wala akong paki. Korean-Filipino citizen nga pala siya kaya hindi siya exempted sa compulsory military service nila. Alam ko yun dahil napapanood ko din dati sa mga drama.
"Ayoko. Nagsisimula na nga akong magmove-on eh." Sagot ko. Hindi naman sa ayoko siyang makita, pero tinigil ko na nga yung pag-iyak iyak ko kasi naaawa na ako sa eyebags ko.
"Pero pwede ka naman ulit magsimulang magmove-on bukas!" Si mama talaga, akala mo hindi niya naranasan yung ganito dati. Hindi naman kasi ganun kadali yun. Hindi ganun kadaling masaktan ng paulit-ulit. Kapag ba nagkasugat ka at kasalukuyan mong pinapagaling, sasadyain mong sugatan ulit para lumalim?
"Ma, ayoko talaga." Tumalikod ako at niyakap yung unan.
"Pero dalawang taon mo siyang hindi makikita kapag pumasok na siya sa military sabi ni Hanna." Sabi nanaman ni tita Hanna. Ako din yung may kasalanan kung bakit sila naging close. Sana pala hindi na lang sila nagkakilala.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?