Chapter 24. Wallpaper and Heartbeat
Dia's POV
Tumingin lang sakin si Troy- walang reaksyon. Huhuhu yan nanaman, hindi ko nanaman alam kung anong iniisip niya. Kasalanan ko nanaman ba?
"Bye Leigh! Text nalang kita mamaya." Sabi ko kay Leigh habang kumakaway papunta sa kotse ni Troy.
"Bye Friendship!"
"Bye Dianna! " Nakangiting sabi ni Dwight. Tss. Totoo ba talaga ang pakikibagbati niyang yun? Baka naman nantitrip lang siya. Pero mukhang hindi naman... Mabait naman kasi talaga siya dati nung friends pa kami. At inaamin ko, may kasalanan din naman ako pero ang OA naman kasi niya. Stalker at obsessed pa ang tingin niya sakin. Hindi ko naman hiniling nun na magkagusto din siya sakin, maging close friends lang kami, okay na. Pero nasira yun dahil ang OA niya. tsk. Ang sakit lang. ARGGHH! Move on Dia! Move on!
Ayan! Hindi ako pinapansin ni Troy. Tahimik lang siyang nagdadrive. Pero mukhang hindi naman siya galit kase hindi niya naman binibilisan ang pagpapatakbo. Trooooy kausapin mo naman ako... Andami kong gustong ikwento sayo. Si Dwight ba? Wala lang naman yun eh!!!! Kausapin mo na ko!!! Sana nababasa niya ang utak ko ngayon, para kausapin na niya ako. (TT.TT)
Tiningnan ko siya... Wala pa ding reaksyon. Hinihintay niya ba akong mag-explain?
Ano namang i-eexplain ko? Waaaaah kasalanan mo to Dwight! Unggoy ka talaga kahit kailan!
"T...Trooooy..." Bigla niyang binuksan ang TV sa kotse niya... Pero pinatay din niya agad. Hindi naman pala niya sinasadya, akala ko ayaw na talaga niya akong kausapin kaya binuksan niya yun.
"Hmm?" Hindi manlang niya binuka ang pout niyang bibig.
"Bakit hindi mo ko kinakausap?" Tanong ko. Ohmy! Ang galing ko! Nagawa kong tanungin siya ng ganun? Waaaaah! Im so proud of myself! (0.0)
"Huh?" Sagot niya. Anong 'huh'? Err??? Nagkapalit ba kami ng kaluluwa nitong si Troy at siya na ngayon ang laging speechless? Sheeeeet (-....-)
"Huy Troy." Pinindot ko ang braso niya... Woaah ang tigas (XoX)
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Novela JuvenilDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?