Chapter 7. Captivated

2.2K 27 3
                                    

(Revised)
Chapter 7. Captivated

Dia's POV

Napakagat ako sa labi ko. "Lumayas ka na nga dito!" Tinulak ko siya sa dibdib. Parang nanghina bigla yung kamay ko. Masama talaga ang kutob ko na may balak siyang masama.

Ginantihan niya lang ako ng ngiti. Naniningkit yung mata niya tapos halatang halata sa dilim yung mga ngipin niya. Siguro nagpableach siya.

"Bakit ka ba takot sa dilim?!" Naiinis kong tanong.

Naramdaman kong napabuntong-hiniga siya. "I'm not. Hindi lang ako sanay." Hindi sanay? Sanayan pala 'to?

"Eh ganun na din 'yon! Hindi ka sanay kaya takot ka!" Ayaw pa umaming takot sa dilim.

"Hindi nga."

"Eh pa'no pag natutulog ka, nakabukas yung ilaw kasi takot ka, ganun?"

"Ofcourse not. It's just that hindi lang ako sanay na brownout."

"Eh ba't hindi ka na lang matulog dun?" Mahina kong sabi. Bakit hindi na lang kasi niya aminin na may balak siyang masama.

"Im not sleepy. Can I borrow your phone?"

Kumunot yung noo ko, "huh? Bakit?"

"My phone ran out of battery." Sagot niya. Arte, pwede naman sabihing "lowbat ako", may pa-ran out of battery pa siya.

"Ah... Oh." Inabot ko sa kanya yung phone ko. Syempre mabait naman ako kaya pinahiram ko na. Hindi naman siya mukhang snatcher.

After ilang seconds, inabot na niya sa'kin yung cellphone ko. "Thanks!" Sabi niya.

"You're welcome. Labas na." Sabi ko sabay talikod at balik sa kama.

"Hmm, I wanna stay here." Seryoso niyang sabi.

"Ano? Ba't ba kasi?!"

"Whose guitar is that?"

"Kay ate yan." Akala ba niya mababago niya yung usapan. "Labas na kasi!"

"Can I use it?" Tanong niya pa.

"Sige kunin mo na lang. Dun ka nalang mag gitara sa labas ha? Pwede?"

"No. I'm staying."

"Bakit ba ang kulit mo? Gusto ko na matulog."

"I'm going to sing you a song until you fell asleep."

"Wag na no. Bakit mo naman ako kakantahan. Tsh."

"Cos you're my girlfriend, right?"

"Hanggang kailan mo ba 'ko balak gawing girlfriend?"

"I don't know. Can you just go with it?" Sabi siya sabay kuha sa gitara.

"Hindi ba pwedeng aminin mo na lang sa lahat na bading ka?"

"What? Hindi nga ako bading." Umupo na siya sa stool.

"Eh bakit mo ko pinagpapanggap na girlfriend mo? Hindi ba pwedeng maghanap ka na lang ng ibang babae para gawin mong girlfriend."

"Honestly," huminga siya ng malalim, "I wanna talk to you."

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Look, I want you to be my girlfriend." Jusko kung umiinom lang ako ng tubig ngayon baka nabilaukan na 'ko sa sinabi niya.

"Adik ka ba? Hindi mo pa nga ako tinatanong kung gusto ko ba at okay lang sa'kin na maging girlfriend mo!"

"Fine. Can you be my girlfriend?"

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon